May Schoolmate Ka Kayang Kapamilya? Find Out Here!

BY EJ SALUT

FRESH SCOOPS

11/16/2016 7:39 AM
May Schoolmate Ka Kayang Kapamilya? Find Out Here!


111616-mcdo_push.jpg

Dahil sa darating na Sabado na ang 2016 Cheerdance Competition, ramdam na ramdam na ang UAAP fever! At siyempre, hindi magpapahuli ang mga Kapamilya sa pagsuporta sa kani-kanilang alma mater! Ever wondered kung sinong sikat na personalities ang kasama mo sa pag-cheer for your school? Silipin ang aming gallery of Kapamilyas from UAAP universities!

Ateneo De Manila University

Robi Domingo

Si ex-PBB Housemate and Myx VJ Robi Domingo ang isa sa pinakakilalang Atenista mula sa Kapamilya network. A true-blue Atenean, nag-aral si Robi sa Ateneo from elementary to college.

Gretchen Ho

Everybody knows which school former UAAP Volleyball player Gretchen Ho came from. Bukod sa pagiging bahagi ng Ateneo Lady Spikers, ang isa pang kahanga-hanga kay Gretchen ay dalawang majors ang kinuha niya noong kolehiyo: B.S. Management Engineering at AB Communication.

De La Salle University

Enchong Dee

Tubong Taft ang Kapamilya actor na si Enchong Dee. He graduated from De La Salle University in 2009 and was also part of the school’s swimming team.

Gary Valenciano

Bilang proud La Sallian, siguradong hahataw sa pagsuporta si Mr. Pure Energy sa De La Salle University. Sa La Salle Green Hills nagtapos si Gary Valenciano ng elementary at high school.

Far Eastern University

Vice Ganda

May dugong Tamaraw si Vice Ganda bilang alumnus ng Far Eastern University. Ang naging kurso niya? Political science.

Jessy Mendiola

Ang tinanghal na Sexiest Woman in the Philippines ng isang men’s magazine ngayong taon ay nag-aral ng kolehiyo sa Far Eastern University. Jessy took up mass communications.

University of the East

Xian Lim

Ang multi-talented Kapamilya actor na si Xian Lim ay alumnus ng University of the East. Isa siyang basketball varsity scholar sa kanyang alma mater at doon din siya unang natutong magmodelo at umarte.

Noli De Castro

Si Kabayan Noli De Castro ang isa sa pinakakilalang alumni ng University of the East. Bachelor of Commerce ang natapos ng dating bise presidente ng bansa.

111616-noli_push.jpg

University of the Philippines

Arci Munoz

Alam nyo bang isang Iska si Arci Munoz? The Magpahanggang Wakas star graduated with a theater arts degree from the University of the Philippines.

Atom Araullo

The journalist and news anchor graduated with a Bachelor of Science degree in applied physics from the University of the Philippines. Pero blue-blooded din si Atom, dahil sa Ateneo de Manila siya nagtapos ng elementary.

University of Santo Tomas

Piolo Pascual

Piolo Pascual, one of the most popular actors in the industry, is a proud Tomasian. AB General Education ang una niyang naging kurso, pero nag-shift din siya to physical therapy.

Iza Calzado

Iza Calzado, the star of the upcoming teleserye A Love to Last, took up fine arts in University of Santo Tomas. Dito na rin nagsimulang pumasok ang kanyang breaks in showbiz.

Nakaka-proud na malamang may sikat kang schoolmates, ‘di ba? Mas magiging proud ka pa kung nanalo ang iyong university sa 2016 Cheerdance Competition ngayong Sabado! Para mas happy ang celebration, siguraduhing ilaban din ang iyong school sa McDonald’s Bonfries promo—i-tweet lang ang #McDoBonfries hashtag ng iyong university (#McDoBonFriesADU, #McDoBonFriesATENEO, #McDoBonFriesDLSU, #McDoBonFriesFEU, #McDoBonFriesNU, #McDoBonFriesUE, #McDoBonFriesUST)! Kapag ang school mo ang makakuha ng pinakamaraming tweets, sagot ng pinakamalapit na McDonald’s ang fries nyo! At tandaan: pwede ka nang mag-tweet simula 12:01 AM ng Sabado, November 19! Kaya ‘wag kalimutang tumutok sa 2016 UAAP Cheerdance Competition!

For more info on how to win free fries, pumunta sa www.mcdonalds.com.ph/content/page/bonfries and follow www.twitter.com/abscbnsports para sa updates!