• Home
  • Fresh Scoops
  • Edgar Allan Guzman reveals how his family accepted his gay brother

Edgar Allan Guzman reveals how his family accepted his gay brother

Edgar Allan Guzman says his family accepts his brother’s gender preferences.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/15/2016 9:31 AM
Edgar Allan Guzman reveals how his family accepted his gay brother


111516-EAGuzman_PUSH.jpgHindi na bago para sa aktor na si Edgar Allan Guzman ang pag ganap bilang isang beki sa mga gay-themed movie. Kahit brusko at tunay na lalaki, masaya si EA sa mga proyekto na nakukuha niya kung kaya naging madali nalang para sa kanya ang kanyang role sa bagong pelikula ng Viva Films na Working Beks.

Kuwento pa ng actor, mas lalong naging masaya at madali para sakanya ang pag ganap na isang closet gay dahil sa mga kasama sa pelikula na sila Tj Trinidad, Joey Paras, Prince Stefan at John Lapus na kapwa bigay todo din sa kani-kanilang roles.

"Yung role ko dito is a young heartthrob may ka-love team sikat na sikat na artista, at the same time isa siyang closet gay na may pinoprotektahang career.”

Dahil laging gumaganap na beki sa kanyang mga proyekto, sanay at gamay na ng aktor ang pagiging beki kung kaya proud siya na ang kanyang kapatid na isa ding beki ang kanyang peg at inspirasyon.

"Ako actually wala kasi every time na gumagawa ako ng gay character ang peg ko lagi is my brother. Proud ako na sabihin na meron akong kapatid na beki, kung kaya wala akong tinignan na kapwa artista ko para gawing peg sa gay role," pagmamalaking kuwento ng actor.

Dagdag pa ni EA tanggap at alam ng buong pamilya ang sexual preference ng kanyang kapatid kahit pa ang kanyang namayapang ama kung kaya madali, walang gap o anumang naging problema sa kanila ang naging kagustuhan ng kapatid sa pagiging beki nito.

"I was 11 namulat na ako doon kasi yung mga kilos at galaw ng kuya ko iba talaga sa amin ng kapatid ko na nag lalaro ng basketball pang lalaki ang interest. Pero noong time na yun tanggap ko na siya agad wala akong sama ng loob or parang pang mamaliit, hindi tanggap ko agad siya."

Iba man ang kapatid, mahal na mahal pa din daw ito ng buong pamilya na at proud silang magkakapatid dahil may kapatid silang beki.

"I'm proud kasi hindi ko ikakahiya yun marangal yung kapatid kasi wala siyang ginagawang masama, bading lang siya pero mahal ko siya kaya proud ako sa kanya," pagtatapos ng actor.