Billy Crawford reveals he was not jailed in Hong Kong

Sa unang pagkakataon nagsalita na si Billy Crawford sa isyung kinasasangkutan niya kung saan diumano nakulong siya kamakailan sa Hong Kong dahil sa pagtatanggol sa girlfriend na si Coleen Garcia sa mg

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/16/2016 1:37 AM
Billy Crawford reveals he was not jailed in Hong Kong


111616-BillyCrawford_PUSH.jpgSa press conference ng Asian reality show na "Brocation" na mag sisimulang mapanood sa cable channel na Kix sa December 14, sinagot na ni Billy ang mga bagay tungkol sa pag kakasangkot niya sa isang gulo na humantong pa diumano sa kanyang pag kaka kulong sa Hong Kong.

"For some reason it was taken out of context, Hindi po ako nakulong, kasi kung nakulong ako hindi po ako makakabalik sa Pilipinas to be honest with you," panimulang paliwanag ng aktor.

Aminado si Billy na nagkaroon ng kaguluhan pero hindi ito umabot sa kanyang pagka kakulong,

"But may nangyari dahil nabastos si Coleen and it was a verbal argument between the person and me, good thing yung medyo shonga na nambastos kay Coleen ay ginawa niya sa harapan ng police, so nakita ng police.

"The thing is about Hong Kong Police they are very strict, so simpleng sigawan sa streets they hold you for questioning, dun tumaas ang pag hangga ko sa Hong Kong police," sabi pa ng It's Showtime host.

Dagdag pa ni Billy, nagkaroon ng pag iimbestiga ang Hong Kong police sa pangyayari kung kaya nanatili sila sa precinto, paglilinaw ni Billy at hindi ito dahil sa ikinulong siya.

"So they held us at yung mga kasama ko for questioning and yung kabilang party para malaman nila kung ano yung kaso and kung ano yung kaso or kung ano ang ang nangyari. So I explained to them, Coleen had to explain to them so na detain kami ng konti pero hindi ako nakulong," sabi ni Billy

Nagpasalamat si Billy na kahit maraming negatibong balita ang naglabasan sa Pilipinas laban sa kanya, naging maayos at tama ang pa din ang imbestigasyon at pagtrato sa kanila ng Hong Kong police hanggang sa matapos ang kaguluhan.

"Alam mo naman pag may narinig ang mga ibon dito, yung exaggerated na reaksyon na sinasabi, they assume things before they know. This is the first time I'm actually asked about it eh, I never made any comments about it .Tinitignan ko lang kung ano sasabihin ng mga tao.

"But for me I have to protect Coleen as well, kababaeng tao ayaw ko naman mabastos siya, pero hindi ako nakipag away, walang gulo. Masuwerte lang talaga kami na the police were there and sila na nag-handle ng situation," pagtatapos ni Billy