• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica, Dingdong, Paulo thank supporters at The Unmarried Wife premiere night

Angelica, Dingdong, Paulo thank supporters at The Unmarried Wife premiere night

The Unmarried Wife starring Angelica Panganiban, Dingdong Dantes and Paulo Avelino will be showing in cinemas on Wednesday, November 16.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/15/2016 11:10 PM
Angelica, Dingdong, Paulo thank supporters at The Unmarried Wife premiere night


111516-TheUnmarriedWife_PUSH.jpgDinaluhan ng malalapit na kaibigan, kamag-anak at mga ka trabaho nila Dingdong Dantes , Paolo Avelino at Angelica Panganiban ang premier night ng latest offering ng star cinema na The Unmarried Wife. Ito ang huling pelikula ng Star Cinema bago pumasok ang panahon ng Metro Manila Film Festival.

Present ang mga ka trabaho ni Angelica sa Banana Sundae tulad ni Pokwang at partner nito na si Lee o Bryan.

"Excited na, hindi mapakali, nalilito, masayang masaya , natutuwa sa suporta at naramdaman ko na mahal na mahal ako ng mga friends ko. Sana kung gaano kami ka-excited, ganun din ang nararamdaman nila," sabi pa ni Angge.

Full support din para kay Dingdong ang kanyang mommy at ang mga kasamahan sa artist management na PPL Entertainment. Rumampa din sa red carpet ang kanyang asawa na si Marian Rivera-Dantes para sumuporta sa pelikula at para din sa kaibigan na si Angelica.

"Maraming salamat sa mga kapatid ko sa PPL, of course sa aking wife na all out ang support para sa akin. Siyempre proud kami na ibahagi yung trabahong ito para sa sa ating taga subaybay, nakakatuwa kasi magkaibgan din talaga si Yan and Angelica," kwento ni Dong.

Nagpasalamat naman si Paolo sa lahat ng suporta na ibinigay sa kanila ng kani-kanilang mga kaibigan kapamilya at mga fans para sa kaabang-abang na pelikula na kanilang pagbibidahan.

Samantala, Graded B naman ang ibinigay na grado ng Cinema Evaluation Board sa naturang pelikula. Mapapanood ang The Unmarried Wife ngayong November 16 sa mga sinehan nationwide.