• Home
  • Fresh Scoops
  • Vietnam Idol 2016 Janice Buco-Phuong gives encouragement to Filipinos

Vietnam Idol 2016 Janice Buco-Phuong gives encouragement to Filipinos

Pinay Vietnam Idol winner Janice Buco-Phuong shares why she had doubts about winning the contest.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/14/2016 7:36 AM
Vietnam Idol 2016 Janice Buco-Phuong gives encouragement to Filipinos


111416-Janice_PUSH.jpgSa Rated K, nagkwento si “Vietnam Idol 2016” Janice Buco-Phuong ng pinagdaanan niya sa kompetisyon. “Napakasaya ko po na natanggap ako dun pero hindi ko po inexpect na 

matatanggap po ako kasi hindi nga po nila required na sumali yung mga foreigners pero yun po sobrang nagpapasalamat po ako kasi binigyan po nila ako ng chance.”  

Tubong Bohol ang 28-year-old singer at nakapag-asawa siya ng Vietnamese national noong 2010. Gitarista ang kanyang napangasawa kung kaya nagpe-perform sila sa mga bars bilang hanapbuhay. 

Kahit na may alam na kaunting Vietnamese si Janice ay tatlong buwan pa rin niya inaral ang mga kantang Vietnamese para sa kompetisyon. “Wala po akong piniling kanta, sila lahat, so kailangan kong pag-aralan talaga… sinusunod ko po lahat ng gusto nila.” 

Itinanghal bilang “Vietnam Idol 2016” si Janice nitong September lang at hindi rin niya inasahan na siya ay mananalo. “Unang-una hindi po ako Vietnamese, sobrang saya na hindi ko po mapaliwanag.” 

Payo pa niya sa mga Pinoy, “Dapat ipakita natin na tayong mga Pilipino wala tayong inaatrasan, kahit anong laban man yan.”