• Home
  • Fresh Scoops
  • Pokwang admits she feels more comfortable doing a comedy than a teleserye

Pokwang admits she feels more comfortable doing a comedy than a teleserye

Pokwang says comedy is a form of stress relief for her.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/13/2016 10:33 AM
Pokwang admits she feels more comfortable doing a comedy than a teleserye


111316-Pokwang_PUSH.jpgMasaya ang komedyanteng si Pokwang para sa pagiging parte niya sa ika-walong taong selebrasyon ng gag show na Banana Sundae.

Sa press conference para sa anniversary show ng programa na gaganapin sa Kia Theater sa November 17, ikinuwento ni Pokwang na malapit sa puso niya ang pagpapatawa kung kaya hindi niya basta basta matatalikuran ang gag show kahit na maraming oportunidad pa ang dumating sa kanya. 

"Hindi e, kasi bilang nagsimula naman ako na komidyante kahit na may ibang show tayo, iba padin ang banana sundae."

Sabi pa ni Pokwang nagsisilbing stress reliever niya ang comedy at ang gag show na ito na nagsisilbing oxygen niya kapag gusto niya huminga at mag-baliw-baliwan lang.

"Kailangan ko to e, dito ako humihinga ng bonggang bongga, bonggang tawa, saya, baliw baliwan lang. Hindi katulad sa mga teleserye seryosohan dapat pag sinabing ‘cut’ wala ka ng gagawin kundi magkabisa ng script, Pero pagdating sa set ng Banana ibang klaseng baliwan talaga," masayang kuwento ni Pokwang.

Bukod dito masaya din ang komidyante dahil tumatak sa mga manunuod ang ilan sa kanyang mga na-impersonate, aniya masaya ang kanyang puso dahil alam niya na nagagampanan niya ng tama ang comedy.

"Ang dami ko din na impersonate dito tulad nila Marlene Aguilar, nanay ni Hayden Kho, Tita Annabelle Rama, si Senator Mariam Defensor sumalangit nawa, pero mas favorite ko si Mommy D (Dionisia Paquiao) kasi hindi nawawalan ng linya at eksena si Mommy D hanggang ngayon," pagtatapos ni Pokwang.