• Home
  • Fresh Scoops
  • Iñigo Pascual reveals why dad Piolo had him grow up in the US

Iñigo Pascual reveals why dad Piolo had him grow up in the US

Inigo Pascual also addresses rumors that Piolo Pascual is not his real dad.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/13/2016 10:39 AM
Iñigo Pascual reveals why dad Piolo had him grow up in the US


111316-InigoPascual_PUSH.jpgSa presscon ng self-titled album ni Iñigo Pascual under Star Music ay game na sinagot ng binata ang mga personal na tanong namin sa kanya at tungkol sa tatay niyang si Piolo Pascual.

Unang tanong namin kay Inigo, hindi ba siya nagtampo na itinago siya ng tatay niya noon sa Amerika?

It’s not an issue with me because I was a kid when it happened and my dad never made me feel as if I was not his son. Ever before the DNA test, he was already there, he was already by my side,” deklara niya.

Ayon pa kay Iñigo, alam niya ang dahilan kung bakit ginawa yon ng tatay niya.

They told me the reason and that’s also the reason why I went to the States. They wanted me to experience a normal childhood. Ayaw ni papa na gawin akong parang public property and you don’t want your kid to be harassed.

I appreciate that they made me experience a private life, a life na normal ako sa States. I was there from 8 years old to 17,” pagre-recall pa niya.

Eh, Kelan ba inamin sa kanya ni Piolo na siya ang ama nito?

 “He never told me na ‘hey, you’re my son.’ Parang I just kind of knew na I was his son,” sagot niya.

Sinubukan din naming usisain kay Inigo kung ano ang naging pakiramdam niya noon sa balitang hindi talaga siya anak ni Piolo.

“Oo nga, nababasa ko anak daw ako ng tita ko. Siyempre, bilang tao, naasar ka di ba? Siyempre, sasabihin mo, ‘what kind of mind would even think that?

“Minsan sasabihin na anak yan ng kapatid ni Piolo sa Las Vegas. Di ba, bilang tao, maasar ka at mapipikon ka. Pero don’t let it affect you kasi alam mo yung totoo and you know who your dad is. You shouldn’t let it bother you. It’s not something na parang… that should bother me,” paliwanag pa niya.

Sa tingin ba niya nakatulong ba ang paglabas ng DNA test para makumpirmang anak talaga siya ni Piolo?

To be honest, it’s like something I don’t even think of. It doesn’t really affect me as a person. Siguro to them, yung DNA, it might mean something to them that somewhat confirms that I’m his son.

“Pero para sa akin, it’s not even… if you’re talking about blood, if you’re talking about son, if ever I would to adopt someone or my mom adopt someone, if you treat them like family, then blood doesn’t matter,” katwiran pa niya.

Nang lumabas ang photo nilang mag-ama binigyan ng malisya ng marami, ano ang naging reaksyon niya?

“Grabe. I can’t even believe they can think of those things. Nu’ng tinanong ako about that, sabi ko, ‘ano’ng isasagot ko do’n, what’s the good answer for that? If I let them affect me then that’s my problem. Pero kung wala sa akin yon, that’s their problem,” diretsang sagot ni Inigo.

Samantala, laman ng album na Iñigo Pascual ang tatlong compositions niya -- ang unang single niyang “Dahil Sa ’Yo,” “Fallen,” at “Dito.”

Kasama rin sa track list ang cover niya ng “Binibini” pati na ang original songs na “That Hero” na isinulat ni Jonathan Manalo, “Your Love,” “Ikaw at Ako,” “Live Life Brighter” at bonus tracks na “Lullabye Bye” at “Dito.”