• Home
  • Fresh Scoops
  • Chris Martinez gets Direk Wenn Deramas’ ‘signature actors’ in “Working Beks”

Chris Martinez gets Direk Wenn Deramas’ ‘signature actors’ in “Working Beks”

The director says he is inspired by comedy director Wenn Deramas

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/14/2016 7:33 AM
Chris Martinez gets Direk Wenn Deramas’ ‘signature actors’ in “Working Beks”


111416-ChrisMartinez_PUSH.jpgIlan sa mga artistang katrabaho ngayon ni Direk Chris Martinez ay mga suki ng pelikula ni Direk Wenn Deramas at matatawang na “signature actors” ng director noong nabubuhay pa ito. Ayon sa award-winning director and scriptwriter, katrabaho niya ang ilan sa kanila sa pelikulang “Working Beks” ng Viva na ipapalabas ngayong November at sa “Extra Service” ng Star Cinema.

“May work pa rin sila ngayon kahit wala na si Direk Wenn. Sina Sweet (John Lapus), Joey (Paras), bida sila sa “Working Beks” ko. Sabi ko nga, basta magaling ka talaga, kahit wala na si Direk Wenn, kukunin at kukunin ka kahit ng ibang direktor.

“Sana nga buhay pa si direk, kasi noong buhay pa siya, he watched my films. He was very supportive kasi we have common friends like sina Uge (Eugene Domingo), Direk Andoy Ranay. Kahit nga premiere night, nandun siya kasi nga may mga artistang common friends namin,” pahayag ni Direk Chris.

Eh, kumusta namang katrabaho ang mga dating artista ni Direk Wenn?

“I'm very happy na ang mga artista niya, ganun ka-disciplined, mga magaling talaga sa comedy. Kapag galing sa kanya, parang nahataw na siguro niya ng ilang beses at nahulma na niya,” nakangiti niyang kuwento.

Patuloy pa ng director, "Natalakan na siguro niya ng ilang beses ang mga yun. So pagdating sa akin, ang galing-galing na ni Atak, si Joey, ang galing-galing na ni Joey.”

May reaksyon naman ang director sa mga taong nagkukumpara sa kanya at sa yumaong director. Halos magkapareho raw kasi sila ng istilo ng comedy.

“Hindi naman, magkaiba naman kami, kahit nagpang-abot kami nang buhay pa si Direk. Iba talaga ang comedy niya, iba naman ang comedy ko.

“Hayun nga, kasi sinasabi nila na mas masa raw yung kay Direk Wenn, yung ganun. Admittedly, sinasubukan ko naman talaga na ibaba nang bonggang-bongga yung comedy ko. Minsan naa-achieve naman, kanya-kanya kasi kami ng sensibilidad.”

Dagdag pa niya, “I think, it's really part of your sensibility, your personality, whatever you want, yung style, ganun. Hindi mo talaga yun maitatago, lalabas at lalabas talaga yun sa pelikulang ginagawa mo.

“Nag-iisa talaga si Direk Wenn. Nag-iisa din naman ako. Magkaiba kami,” pagdidiin pa niya.

Inamin naman ni Direk Chris na naging inspirasyon niya si Direk Wenn sa paggawa ng comedy films.

“Oo naman, lalo na kapag kailangang i-slapstick o kailangang, 'O, mahulog ka diyan. Yung ganun, kasi alam mong yun ang bebenta sa tao, e.

“Marami naman akong natutunan kapag nanood ako ng mga pelikula ni Direk Wenn. Hindi madaling gawin ang mga pelikula ni Direk Wenn. Kapag pinanood mo siya, puro kalokohan lang, Pero actually, kina-career niya talaga yung comedy,” pagtatapos ni Direk Chris.