• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez gives advice to Yeng Constantino, Angeline Quinto, KZ Tandingan and Kyla

Regine Velasquez gives advice to Yeng Constantino, Angeline Quinto, KZ Tandingan and Kyla

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/13/2016 2:13 AM
Regine Velasquez gives advice to Yeng Constantino, Angeline Quinto, KZ Tandingan and Kyla


111216-RegineVelasquez_main.jpgIsa sa highlight ng Divas in Manila concert na naganap last November 11 sa Araneta Coliseum ang participation ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. Makahulugan sa Divas-- Yeng Constantino, Angeline Quinto, KZ Tandingan and Kyla ang pagpayag ni Regine para maging special guest dahil kapwa idolo nila ito lalo na ng nagsisimula pa lang sila sa pagkanta.

Hit songs ni Regine ang kinanta ng bawat isa na sinimulan at natapos sa birit na “Shine” at tunay nga na kuminang ang apat na divas kasama si Regine.

"Ang galing-galing niyo continue to shine! Nakakatuwa!" Ang sabi ni Regine pagkatapos ng kanilang musical number.

Si KZ ang unang naka duet ni Regine na sinundan ni Yeng, Angeline at Kyla.

Special mention ni Regine si Kyla na na-miss niya dahil magkasama sila dati sa isang defunct noontime show, at first time naman kumanta kasama sina KZ at Yeng kaya’t halata na kabado ang dalawa sa kanilang spot with Regine.

"Sana ipagpatuloy niyo, sundan niyo ng sundan ng concerts na ganito para mahasa pa kayo ng mahasa. Suportahan natin ang OPM," sabi pa ni Regine.