• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos to body shamers: ‘Bakit ka mangingialam, pinakikialaman ka ba?’

Judy Ann Santos to body shamers: ‘Bakit ka mangingialam, pinakikialaman ka ba?’

Judy Ann Santos lashes out at body shamers

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/12/2016 12:46 PM
Judy Ann Santos to body shamers: ‘Bakit ka mangingialam, pinakikialaman ka ba?’


111216-JudyAnn_main.jpg Sa TV Patrol, may bwelta si Judy Ann Santos sa mga nangba-body shame na netizens. “Mas malaki yung insecurity nung taong nang-body shame. Kasi kung kampante ka naman sa sarili mong pangangatawan, kampante ka sa sarili mong pagkatao, bakit mo kailangan mang-body shame? E katawan niya yan e, yun ang gusto niya happy siya dun e. Bakit ka mangingialam, pinakikialaman ka ba? Ganun lang naman yun.”

Importante rin daw ang  respetuhan sa social media. “Okay, you’re welcome to say your opinion but since this is my Instagram, this is my social media, may opinyon din akong sarili ko. Ngayon kung ‘di mo kayang tanggapin, abay umalis ka.”

Tuloy pa rin diumano ang diet at exercise ni Juday pero mas mahalaga sa kanya ang kalagayan ng kamnyang pamilya. “I’m enjoying my workout, I’m enjoying my time with my kids, time with my husband. Luto lang ako nang luto.”

Dagdag pa niyang sinabi kay Mario Dumaual ng TV Patrol, “nandun na rin siguro ako sa posisyon Tito Mario na ‘di ako naghahanap ng kompetisyon. Nandun na ako sa pwesto na eenjoyin ko na lahat ‘to.”