• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: JC de Vera says he feels free and fulfilled doing indie films

EXCLUSIVE: JC de Vera says he feels free and fulfilled doing indie films

JC de Vera dedicates his first best actor win to his parents whom he disobeyed so he could be in showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/12/2016 9:53 AM
EXCLUSIVE: JC de Vera says he feels free and fulfilled doing indie films


111216-JcDeVera_main.jpgMay indie film na kasali si JC De Vera sa Cinema One Originals Festival 2016—ang Tisay —na ayon sa actor ay pangatlong indie film na ginawa niya. His two other indie projects were Salvage and Best Partee Ever ng QCinema Film Festival kung saan nanalo siyang best actor.

Para kay JC, may certain fulfillment siyang nararamdaman kapag gumawa ng indie.

“Iba yung fulfillment ng indie at iba rin yung hirap ng mainstream. Yung excitement na nakukuha mo sa indie is yung character-based talaga siya and puwede kang maging free depende sa artistry mo.

“Puwede kang maging normal na tao na nagpo-portray ng isang character… alam mo yon. Puwede akong pumasok don as hindi JC. I guess yon yung fulfillment na nakukuha ko do’n, very different from mainstream. Kasi pag mainstream, alam ng tao na si JC yung pinapanood mo,” reaksyon niya.

Hindi rin daw isyu sa kanya kung maliit man ang talent fee na natatanggap niya sa indie movie.

“If you’re passionate about your craft, minsan kahit walang bayad okay, eh. Yung tamang pang-gas lang ba papuna sa location at pauwi,” sabay tawa niya.

“Pero hindi, eh, natatapos ka na very fulfilled at yon yung importante for me… na alam mo yon, nakagawa ka ng isang project na gustung-gusto mo, walang walls, walang hesitations sa kahit ano at wala kang limitations,” dagdag ni JC.

Handa rin daw siyang gumawa ng daring scenes sa pelikula kaya lang, “Ayoko lang yung basta mo na lang ako pagaganunin na hindi naman talaga ng parte ng kuwento at ng istorya ng karakter.”

After winning his first ever best actor award, nakaramdam ba siya ng pressure?

“Wala naman… nag-move forward. Continue working hard. Tapos back to normal ako. Hindi naman talaga siya pumasok sa ulo ko… parang tuloy pa din.

“Alam mo naman yung istorya ko, eh, at kung nasubaybayan mo yung mga first half ng buhay ko, di ba, hindi naman ako nakakapag-indie. Nakakakuha ako ng magagandang proyekto pero laging may pumipigil,” pagre-recall pa ng actor.

Ayon pa kay JC, ang napanalunan niyang acting award ang parang regalo niya sa kanyang parents na sinuway niya nung time na huminto siya sa pag-aaral para pasukin ang showbiz.

“Ang regalo ng magulang ko sa akin is education and ginive-up ko yung regalo nila sa akin para lang pumasok sa industriyang hindi ko naman alam.

“So, siyempre sobrang happy ako, na-reach ko yung goal ko na hindi man ako nasabitan ng medal dahil grumadweyt ako, pero meron akong ibibigay sa kanila in return na ito rin yung pinaghirapan ko na puwede kong iregalo sa kanila. Hindi ako nakapag-college, eh. Ginive-up ko yon for this industry, pero at least, may napatunayan din naman ako sa kanila kahit papaano,” pagtatapos ni JC.