• Home
  • Fresh Scoops
  • Angeline Quinto talks about a possible romance with a non-showbiz guy

Angeline Quinto talks about a possible romance with a non-showbiz guy

Angeline Quinto masaya din naman dahil present sa Divas Live in Manila concert si Erik Santos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/13/2016 2:15 AM
Angeline Quinto talks about a possible romance with a non-showbiz guy


111216-AngelineQuinto_main.jpgAll out ang support ng mga kamag-anak, pamilya, at mga kapareha nila Kyla, Yeng Constantino, KZ Tandingan at Angeline Quinto para sa matagumpay na concert nila na Divas Live in Manila na ginanap sa Araneta Coliseum.

Spotted ang mga partners ng Divas na sila Rich Alvarez na asawa ni Kyla, Yan Asuncion na asawa ni Yeng Constantino, at ang napapabalitang boyfriend ni Angeline Quinto na si Erik Santos.

Ngunit isang panayam pagkatapos ng concert, naging malaman at kapansin-pansin sa mga naging tugon ni Angeline sa media kung ano ang nararamdaman nila sa support ng kanilang mga love ones.

"Actually masaya po silang tatlo kasi andyan po yung mahal nila sa buhay," pabirong tugon ni Angeline

Dagdag pa ng singer, masaya siya dahil present ang kanyang pamilya na nanuod at sumuporta para sa kanya.

"Madami po, ang pamilya ko po andyaan."

Pagbibiro pa ni Angeline, present din si Erik Santos para sumuporta sa kanilang lahat, aniya, "Actually, andyan naman po si Erik ngayon."

Dahil dito, naitanong na din kay Angeline kung present din ba ang non-showbiz guy na mainit na nauugnay sa kanya ngayon. Pabirong tugon muli ni Angeline, "Non showbiz? Yung non-showbiz po hindi ko po alam. Baka po andyan sa gilid.

Aminado man na nakikipag-date siya ngayon, kuwento ni Angeline na magkaibigan pa lamang sila ng non-showbiz na guy na ito. "Wala pa po iyon, We’re friends,"pag-amin ni Angeline

Nagbiro din siya na normal talaga na marami ang nagkakagusto sa kanya, ma pa-showbiz o non-showbiz pa ang mga ito.

"Hindi na po bago yun eh. Wala pa ako sa tamang edad siyempre dahil ultimate idol ko si Ms. Regine (Velasquez) gagayahin ko din kung anong edad siya nag asawa," pagtatapos ni Angeline.