• Home
  • Fresh Scoops
  • Jessy Mendiola talks about possibly working with Angel Locsin

Jessy Mendiola talks about possibly working with Angel Locsin

Jessy Mendiola says she will follow management’s orders when it comes to her career.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/12/2016 1:46 AM
Jessy Mendiola talks about possibly working with Angel Locsin


111116-JessyMendiola_PUSH.jpgNaging paboritong tanungin ng entertainment press si Jessy Mendiola sa press conference para sa ika-walong taong anibersaryo ng programang Banana Sundae. Magdiriwang ang show via isang anniversary concert sa Kia Theater ngayon November 17.

Dito isa-isang sumagot si Jessy sa mga kontrobersiya na ibinabato sa kanya. Unang sinagot ni Jessy ang role niya sa gag show na bahagi ng isang love triangle. Dito sinabi ni Jessy na hindi niya kayang gawin ang mang-agaw ng boyfriend sa tunay na buhay.

"Hindi ka naman po kaya yun in real life never. Push natin ‘to?" pangiting tugon ni Jessy

Game din na sinagot ni Jessy ang tanong kung okay lang sa kanya maging bisita sa Banana Sundae si Angel Locsin na ex ng kanyang rumored boyfriend na si Luis Manzano. Ayon kay Jessy walang magiging problema sa kanya ito.

"Why not ’di ba? Ngayon hindi ko po alam pero okay lang po sa akin kung iyon po talaga ang gusto ng mga boss natin susunod po ako."

Pinasalamatan din ni Jessy ang mga nagtatanggol sa kanya sa kabila ng maraming intriga sa kanyang personal na buhay.

"Kasi marami po ang nagtatanggol sa akin, marami rin po ang nagmamahal sa akin so maraming nag po-protekta sa akin. Tulad ng buong banana family po, sila nagmamahal sa akin. Masaya lang po kami dito. Walang hate, walang bashing."

Inamin din ng aktres na gaya ng isang normal na tao, napupuno din ang kanyang pasensya kung kaya di niya mapigilan sumagot.

"May mga bagay na minsan hindi natin kaya pigilan kasi nakakapikon talaga. Kaya kapag napipikon, minsan deadma na lang. Mapipikon ba ako ang dami nila. Sayang ang energy."

Napapaligiran man ng issues ang kanyang career, masaya pa din ang aktres para sa achievement ngayon ng Banana Sundae sa 8th anniversary nito.