• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Nathalie Hart admits JC de Vera is the reason for split with Lebanese boyfriend

EXCLUSIVE: Nathalie Hart admits JC de Vera is the reason for split with Lebanese boyfriend

Nathalie Hart says that her ex-boyfriend also wanted her to quit showbiz.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2016 11:07 AM
EXCLUSIVE: Nathalie Hart admits JC de Vera is the reason for split with Lebanese boyfriend


111116-NathalieHart_PUSH.jpgMuntik nang mag-settle down noon si Nathalie Hart bago siya nabigyan ng break na magbida sa pelikulang Siphayo na katatapos lang ipalabas. Sa naturang pelikula ay tinanghal na best actress si Nathalie sa Manhattan Internaitonal Film Festival.

“I was supposed to settle down na sana, pero ewan ko ba, yung mga nakukuha kong boyfriend they don’t want me to continue my job… I don’t know why. For example, yung relationship ko last time, yung Lebanese, five months kami pero naghiwalay din,” simula niyang pahayag.

Nakausap ng Push.com.ph si Nathalie sa pocket presscon ng pelikulang Tisay na pinagbibidahan ni Nathalie at JC de Vera na kasali rin sa Cinema One Originals festival which will start on November 14.

Inamin ni Nathalie na si JC ang dahilan kung bakit nag-break sila ng Lebanese boyfriend.

“Nalaman niyang may kissing scene ako kay JC (de Vera) sa Tisay, sabi niya sa akin, it’s either you pick that job or you pick me. Sabi ko, I pick my job.

“Siyempre, naloka siya. Sabi ko, hindi, eh. Sa akin, ganito lang yon, eh, if I don’t work, ano yung panggastos ko, ibibigay mo ba sa akin yung panggastos ko?

“Okey lang sana kung bibigyan mo ako, eh. I mean, relationship naman tayo, eh, hindi naman ako random na babae lang, may love and care naman. Pero kung kunyari, sasabihin mo sa akin,  ‘huwag kang magtrabaho,’ aba, tumigil ka. Tapos wala kang binibigay sa akin, aba ang kapal ng mukha mo,” dire-diretso niyang katwiran.

Eh, paano kung may DOM na willing ibigay sa kanya ang lahat, iga-grab ba niya?

“Siguro, yung kalahati ng pera no’n magpo-produce na lang ako. Hahaha! Hindi pa rin ako aalis sa showbiz,” natatawa  niyang reaksyon.

Patuloy pa ng sexy actress, “Well, yung ex ko, he’s very well off naman kaya ayaw niya ako sigurong pagtrabahuhin kasi he’s very conservative. Kaya lang, kung hindi mo naman ako pakakasalan tapos papatigilin mo ako sa trabaho, napakabata ko pa.

“Bakit ako magsasayang ng buhay ko. Eh, paano kung naghiwalay kami after two years, eh, di saan ako pupunta, sa kangkungan? Wala naman akong ipon, yung ipon ko puro palabas ngayon kasi maraming gastos, Dyusko day, huwag na lang!” pagdidiin pa niya.

May love scenes si Nathalie kay JC sa pelikulang Tisay, pero mas nahirapan daw siya sa rape scene with Joel Torre na isa namang drug lord at nagma-manipulate ng “game fixing” sa basketball.

“Nakaka-pressure lang kasi pagkaharap mo na siya tapos his role is this crazy bipolar man, tapos biglang hahalikan ka, so parang ‘ha!’ Nu’ng time na yon, I just do it, wala na akong pakialam, eh. Nu’ng una, talagang na-intimidate ako, pero nung mga sumunod naming eksena, okey na,” kuwento niya.

Nathalie plays a street-smart bookie sa Tisay na nagustuhan ni JC na isa namang naïve and idealistic basketball player.