• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros says he’s not a threat to Vice Ganda: ‘Walang ganu’n’

Paolo Ballesteros says he’s not a threat to Vice Ganda: ‘Walang ganu’n’

Paolo Ballesteros also talks about the possibility of a project with Vice Ganda.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/11/2016 12:48 AM
Paolo Ballesteros says he’s not a threat to Vice Ganda: ‘Walang ganu’n’


111016-PaoloVice_PUSH.jpgBiniro namin si Paolo Ballesteros kung magtataas na ba siya ng talent fee ngayong meron na siyang international best actor award mula sa Tokyo International Film Festival for the film Die Beautiful, pero ipinasa niya ang tanong sa manager niyang si Joji Dingcong.

“Joji, tataas na ba tayo?” tanong niya sa manager. “Baka kasi magtaas tapos wala namang kumuha, eh, di huwag na,” hirit pa niya.

Tatanggap ba siya ng straight guy na role o another gay role again?

“Kahit ano. Basta gusto ko yung matsa-challenge ako. Kasi halimbawa, sabihin natin na another gay role, kailangan iba siya kay Trisha (character niya sa Die Beautiful). And at the same time kung straight naman, dapat matsa-challenge din ako kung action-action,” paliwanag niya.

Gagawa ng tatlong pelikula si Paolo sa Regal Films na minsan ay nakikipag-co-produce din sa Star Cinema. Posible kayang magsama sila ni Vice Ganda sa movie? Ano ang reaksyon niya dito?

Well, depende kung mag-push, why not?” sagot agad niya.

Magkakilala ba sila ni Vice?

“Oo naman,” sabi ulit niya.

Eh, ang masasabi niya sa isyung threat siya kay Vice lalo pa kapag parehong napili ang kanilang mga pelikula sa Metro Manila Film Festival.

“Bakit? Wala namang ganu’n,” paglilinaw agad niya. “Lahat naman tayo, lahat naman ng pelikulang nag-submit sa MMFF, ang gusto nila ay maipakita yung mga pinaghirapan nila, so I guess, lahat yan pare-parehas na magagandang pelikula otherwise hindi naman nila isa-submit.

“So, pare-parehas din lang naman kami ng aim na mapasaya yung audience, sana magustuhan yung pelikula. So, walang ano, walang threat-threat, walang ganu’n,” natatawa niyang pahayag.

Samantala, hindi na raw nagugulat ang babaing anak niya who is already 7 years old at nasa Chicago, USA, ngayon sa pinaggagawa niya sa pelikula.

Full support din ang bagets. Nakakatuwa. Hindi na siya nagugulat kasi yung mga heels ko ginagamit niya sa bahay pag pinaglalaruan niya. Pati mga wigs, ganyan.”

May paliwanag naman si Paolo kung bakit si Angelina Jolie at Julia Roberts ang ginaya niya sa TIFF.

“Kasi siya (Julia) yung pinakakamukha ko, saka si Angelina. So siyempre, bilang ako naman yung nagme-make-up sa sarili ko kaya yung pinakamadali sa akin, pinakamadaling ma-achieve kaya sila yung ginawa ko,” pagtatapos ni Paolo