• Home
  • Fresh Scoops
  • Ormoc City mayor Richard Gomez linked to Espinosa drug group

Ormoc City mayor Richard Gomez linked to Espinosa drug group

According to CIDG-8 Chief Insp. Leo Laraga, Gomez’s name was included in Rolando Espinosa’s affidavit.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/10/2016 10:26 AM
Ormoc City mayor Richard Gomez linked to Espinosa drug group


111016-RichardGomez_PUSH.jpgSa report ng ABS-CBN News, Pinangalanan ni Chief Insp. Leo Laraga ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Eastern Visayas si Ormoc City mayor at aktor na si Richard Gomez bilang isa sa mga sangkot sa ‘drug group’ ng yumaong dating Albuera mayor na si Rolando Espinosa. 

Tinanong kasi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III kung bakit kinailangan pang sa Samar kumuha ng search warrant at hindi sa Leyte. Sinagot naman ito ng opisyal at sinabing kontrolado daw kasi ng mga politicians at ilang police officials sa Leyte ang karamihan sa mga korte doon.

Nang tanungin sino ang mga politikong ito, ayaw pang sabihin ni Chief Laraga pero kinalaunan ay binanggit na rin niya.

“Sino sino ‘yung mga iniiwasan sa Leyte? Para maintindihan anong compelling reason para kumuha ng search warrant sa Samar?” tanong ni Sotto.

OK, your honor. Allegedly ‘yung vice mayor ng Baybay City, governor ng Leyte, mayor ng Ormoc City and congressman of third district of Leyte so all of those courts that can be applied ay under po nung mga politicians,” sagot ni Laraga.

Ito ay sina Baybay Vice Mayor Mike Cari, Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso, Leyte Governor Leopoldo Petilla, at Ormoc City Mayor Richard Gomez.

Based on your information, are they involved in the Espinosa drug group?” tanong muli ni Sen. Sotto.

It was the statement of the late Mayor Espinosa himself,” sagot ni Laraga.

Naalarma naman si Senator Miguel Zubiri sa statement ni CIDG-8 chief Laraga at sinabing walang reports tungkol sa aktor turned mayor na involved siya sa mga transaksyon ng Espinosas.

“Hindi ko naririnig pangalan ni Mayor Richard Gomez ever in any social media circle. Dapat ma-klaro ‘yan sir kasi mahirap naman ito. This is aired live. Ayaw naman natin masira pangalan niya,” ani Zubiri.

Ipinaliwanag naman ni Laraga na wala man siyang kopya ng affidvit ng namatay na Espinosa, naalala naman daw niyang nabanggit ang pangalan ni Albuera Police head Chief Insp. Jovie Espinido ang pangalan ni Gomez.

I also heard it personally from Major Espinido during the case conference sa Bulwagan. Sinabi niya personally ‘yung mga pangalan na sinabi ko na binanggit ni Mayor Espinosa.”