• Home
  • Fresh Scoops
  • Nicole Manalo shares her preparations for her upcoming Miss Globe pageant 2016

Nicole Manalo shares her preparations for her upcoming Miss Globe pageant 2016

Nicole Manalo reveals what she uses as her lucky charms for the upcoming pageant.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/10/2016 10:13 AM
Nicole Manalo shares her preparations for her upcoming Miss Globe pageant 2016


111016-NicholeManalo_PUSH.jpgHanda na ang kandidata ng Binibining Pilipinas para sa Miss Globe na si Nicole Manalo upang lumaban sa Miss Globe 2016 sa November 25 sa Albania.

Matatandaan na si Anne Colis na isang Pinay beauty din noong 2015 ang itinanghal na winner at kasalukuyang may hawak na titulo.

Dahil sa winning streak ng mga pinay beauties sa iba’t-ibang international beauty pageant, bigay todo na ngayon si Nicole sa mga paghahanda niya para sa papalapit na laban

"After naman manalo, we've been privileged to have trainings under the binibini. We went underwent training like communication, personality development, fitness lahat na. So naghahananda naman kaming lahat and now I'm very much excited because I have the chance to represent our country."

Kuwento pa ni Nicole full support din para sa kanya ang Miss Globe 2015 winner na si Anne Colis para sa kanya.

"Actually nag-uusap kami through Messenger. Ang sinasabi lang niya sa akin ‘just enjoy just be yourself,’ at sabi nga she'll be there to support me so nakakataba lang ng puso kasi sinusuportahan niya ako, so alam ko yung reigning gusto din niya ako manalo," sabi pa ni Nicole.

Full support din ang mga kapatid na beauty queen ni Nicole na sila Katherine at Bianca Manalo na mas tutok sa kanya para sa gaganapin na laban ng kanilang kapatid.

"Ganon pa din hindi naman nag bago. Kung nagbago man pero mas naging tutok, ganon pa din lahat andyan pa din sila. Nagbibigay ng tips to update me and ang advice tuloy tuloy pa din."

Pagbabahagi pa ni Nicole bukod sa mga paghahanda, dala din niya ang picture ng kanyang pumanaw na ama at isang rosaryo na kanyang magsisilbing lucky charm sa darating na pageant.

"Meron picture ng daddy ko and rosary tuwing panghinaan kasi ako ng loob yun lang kasi ang tinitignan ko e, kasi siya din ang rason kung bakit ko tinuloy to, kung bakit ko gagawin to," pagtatapos ni Nicole.