• Home
  • Fresh Scoops
  • Keana Reeves apologizes to the actress for having sex with her ex

Keana Reeves apologizes to the actress for having sex with her ex

Keana Reeves took to Facebook to say that she had no intention to hurt the mystery actress.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

11/10/2016 10:23 AM
Keana Reeves apologizes to the actress for having sex with her ex


111016-KeannaReeves2_PUSH.jpgIkinuwento ng aktres na si Keana Reeves sa kanyang Facebook account na nagkaroon siya ng isang ‘awkward’ encounter sa isang aktres na hindi niya pinangalanan.

Sa kanyang mensahe, humingi siya ng paumanhin sa aktres kung  sakaling nasaktan man siya sa pagiging prangka niya.

"Awkward moment sa akin iyong nangyari. Accidentally nag-meet kami ni ex-gf (actress) ng ex-bf (TV host) [ko]. Nagbatian pa kami at biniro pa nga ako ni actress. Tapos bigla niyang tinanong sa ‘kin about doon daw sa napabalita na may nangyari sa amin ng ex-bf niya," ani Keana.

"Nagulat ako at hindi ko akalain itatanong niya sa akin iyon personally. Siyempre sinabi ko na, 'Bakit, hindi ka ba naniniwala?' Biniro ko pa. Sabi niya, sige na tutal wala nanaman na kami [at] ex ko na siya,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Keana na sinabi lang niya ito ng diretso dahil ayaw naman niyang masabihang sinungaling.

"Kaya sabi ko, 'Oo.' Hindi ko alam kung na-hurt siya kasi 'di siya nakakibo pero 'di ko sadya [na] saktan siya kasi sobrang tagal na noon at 'di ko alam kung sila na ba that time."

Nagbigay na rin siya ng mensahe sa aktres na ito.

"Kung nasaktan man kita, I'm sorry. Hindi ko hangad [na] saktan ka kasi babae din ako. I was single then at ang alam ko single din si television host noon. I respect you a lot because i know you are a nice person. Again, sorry kung nasabi ko sayo ang totoo. Hindi ko sinasadya."

Hinihinala naman ng mga netizens na ito ay si Angel Locsin at ang ex na tinutukoy ay si Luis Manzano. Matatandaang sinabi ni Keana sa “Good Times with Mo” na may nangyari sa kanila ng TV host at kinlaro na noong panahong iyon ay nililigawan pa lamang niya si Angel.