• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Pinoy Hollywood actor Germaine De Leon plans to enter local showbiz

EXCLUSIVE: Pinoy Hollywood actor Germaine De Leon plans to enter local showbiz

Pinoy Hollywood actor Germaine De Leon is settling in the country for now for his family.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/10/2016 10:18 AM
EXCLUSIVE: Pinoy Hollywood actor Germaine De Leon plans to enter local showbiz


111016-GermaineDeLeon_PUSH.jpgNandito ngayon sa Pilipinas ang Pinoy Hollywood actor na si Germaine de Leon. Sampung taon ng artista si Germaine sa Amerika at markado sa kanyang roles bilang bad boy sa mga TV series na Dexter, Lucifer, at CSI: Crime Scene Investigation. Hindi makakalimutan ni Germaine ang una niyang eksena noon kasama ang Oscar-winning actor na si Edward James Olmos na nagbigay ng advice sa kanya.

"I remember the first day of the shoot talagang nervous na nervous ako. Big HBO movie ito, first lead that I ever had. Before, support lang ako. He has this real deep voice and said all you have to do is speak the truth and I was just like ‘That’s it. Just follow the story.’"

Bahagi ng showbiz clan sa Pilipinas si Germaine. Pinsan niya si Karylle, tita niya si ZsaZsa Padilla at lolo niya ang veteran actor na si Amado Cortez. Pure pinay ang kanyang nanay na taga Quezon City at white american naman ang kanyang ama. Pamilya rin ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Germaine.

"Para sa akin yung pamilya kaya nandito na ako. Kasi ang lola ko nagkaroon siya ng stroke and naka-wheelchair siya. Mahina na siya."

Kuwento ni Germaine na pinoy na pinoy ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang nanay sa Los Angeles. Hilig niya ang sinigang at adobo, marunong siya mag mano sa nakatatanda at nakuha niya ang pagiging masikap para nakuha ang tagumpay.

"Kahit ano mangyari may paraan and I think that’s what I’ve taken with me and I’ve used in Hollywood kasi mahirap doon eh."

Hangad ni Germaine na mabigyan din ng break sa local showbiz gaya ng nakamit niya sa Amerika. Dito siya magpapasko sa unang pagkakataon kaya’t looking forward si Germaine sa holiday season.