• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado represents Philippines at 2016 Hanoi International Film Festival

Iza Calzado represents Philippines at 2016 Hanoi International Film Festival

Iza Calzado will be a member of the jury at the 2016 Hanoi International Film Festival.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/1/2016 9:57 AM
Iza Calzado represents Philippines at 2016 Hanoi International Film Festival


110116-IzaCalzado_PUSH.jpgLumpiad pa-Vietnam ang award-winning actress na si Iza Calzado para mag-represent ng Pilipinas bilang isa sa mga members ng Jury ng Hanoi International Film Festival 2016 sa darating na November 1 to 5.

Ang makakasama ni Iza bilang jury member ay ang Hollywood actress na si Geraldine Chaplin, Indian filmmaker Adoor Gopalakrishnan at si Dao Ba Son na isang Vietnamese director.

Excited si Iza para sa kanyang pag-alis dahil ito ang unang beses na mag-attend siya ng sa Hanoi International Film Festival kung saan miyembro pa siya ng jury.

"Sobrang excited ako dahil sa unang beses kong dumalo sa international filmfest, malapitan kong mapapanood at makakasama sa palitan ng opinyon ang mga iginagalang na filmmakers sa mundo. Sisikapin kong maging mabuting kinatawan ng ating bansa sa Hanoi International Film Festival 2016."

Malaking pasasalamat naman ng aktres para sa pagbibigay importansya ng Hanoi sa mga Pilipino sa larangan ng pelikula sabi pa ni Iza

"Sobrang malaking karangalan para mapabilang sa isang international jury. Sana patuloy pang kilalanin ang kontribusyon nating mga Pilipino sa world cinema," pagtatapos ng aktres

Samantala, makakasama din ni Iza sa jury ang multi-awarded French filmmaker na si Regis Wargnier na nakilala noong 90s para sa kanyang pelikulang Indochine na nag uwi ng Best Foreign Language Film sa 65th Academy Awards.