Imelda Schweighart resigns as Miss Earth Philippines

Imelda Schweighart resigns from Miss Earth Philippines because of bashing from netizens

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

11/1/2016 10:06 AM
Imelda Schweighart resigns as Miss Earth Philippines


110116-MsEarthPH2016_PUSH.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, nagresign na bilang Miss Earth Philippines si Imelda o Imee Schweighart. Tinanggap na rin ito ng Carousel Productions na nagpapatakbo ng Miss Earth at Miss Earth Philippines. Nangyari diumano ang resignation matapos ang maghapong meeting ni Imee at ng ina nito na si Annabeth Bautista kasama si Miss Earth organizer Lorraine Schuck.

Ang binigay na dahilan ay ang pagkaalarma ng ina ni Imee sa matinding bashing na natatanggap ng anak sa social media.

Nataggap ni Imee ang bashing matapos siyang magpost ng video suot ang gown ni Miss Earth 2016 Katherine Espin. Ayon kay Imee sa kanya nakalaan ang gown na suot ni Katherine.

Ayon naman sa source ng reporter, pinagpaalam naman kay Imee at sa pageant organizers ang pagamit ni Katherine ng gown ni Imee. Hindi na kasi magagamit ni Imee ang gown dahil naligwak na ito sa top 16 ng pageant. 

May lumabas ring video kung saan binabash ni Imee si Katherine at sinasabing retokado ang abogada mula Ecuador. 

Inakusahan ng netizens ng sour graping si Imee. Ayon naman sa kampo ni Imee, isang pribadong pag-uusap ang lumabas na video at hindi daw niya opisyal na paninidigan bilang kinatawan ng Pilipinas.