• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Jun Lana on Paolo Ballesteros in ‘Die Beautiful’: ‘Para sa kanya talaga ito’

Director Jun Lana on Paolo Ballesteros in ‘Die Beautiful’: ‘Para sa kanya talaga ito’

Director Jun Lana says Paolo Ballesteros was very hands on with his different looks in the movie.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/1/2016 9:47 AM
Director Jun Lana on Paolo Ballesteros in ‘Die Beautiful’: ‘Para sa kanya talaga ito’


110116-PaoloBallesteros_PUSH.jpgKababalik kang mula sa Tokyo International Film Festival ng cast at director ng pelikulang Die Beautiful na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros at binigyang direksyon ni Jun Lana. Sa ating solo interview with Direk Jun, sinabi niya na malaking challenge ito para kay Paolo at nakapasa naman ito sa kanyang expectations.

"It’s a very different role for Paolo Ballesteros and it’s his first starring role in a movie. It’s also a different look at [the] gay lifestyle. It’s funny and it’s quite sad."

Aminado si direk Jun na noong una hindi niya alam ang magiging reaction ng audience sa Die Beautiful pero ito naman daw talaga ang essence kapag gumagawa siya ng indie movies.

"When I make my indie films, I want to experiment so hindi ko actually alam kung ano ang magiging reception dito."

Hands on daw si Paolo sa kanyang iba ibang looks sa pelikula at hanggang sa red carpet sa Tokyo ay umeksena si Paolo bilang Angelina Jolie na pinagkaguluhan ng Japanese media.

"Yes siya taga lahat yun ilang looks yun, pito?! Siya lahat yun. Si Paolo isa sa mga favorite actors ko and para talaga sa kanya ito," pagtatapos ni direk Jun.