• Home
  • Fresh Scoops
  • Dindong Dantes feels happy to be working again with Angelica Panganiban

Dindong Dantes feels happy to be working again with Angelica Panganiban

Dindong Dantes admires Angelica Panganiban’s dedication to acting.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/1/2016 10:09 AM
Dindong Dantes feels happy to be working again with Angelica Panganiban


110116-DingdongDantes_PUSH.jpgMuling nagbabalik pelikula ngayon si Dingdong Dantes para sa inaabangang pelikula ng Star Cinema na The Unmarried Wife. Dito muli niyang makakasama ang aktres na si Angelica Panganiban kasama si Paolo Avelino.

Huling nagsama si Dindong at Angelica para sa mapangahas na pelikula din ng Star Cinema na One More Try kung saan kasama nila si Angel Locsin at Zanjoe Marudo.

Sa panayam na ito kay Dingdong, masaya siya ngayon sa panibagong oportunidad na naibigay sa kanya at pagkakataon na makasama niya ulit ang mahusay na aktres na si Angelica, sabi pa ni Dingdong.

"Mapalad ako na on our third time na magkasama kami. It gets better and better yung pinagsamahan namin… And this time around, siguro kasabay din namin na nag mature yung mga roles na ginagawa namin."

Ayon pa kay Dingdong mas lalo siyang napabilib sa aktres dahil sa napakahusay na pagganap nito sa kanyang role bilang isang babaeng nasaktan at iniwan ng kanyang kapareha.

"Hanga ako kay Angelica sa character niya, dahil isinabuhay talaga niya yung lakas at tibay babaeng nasaktan, naka-recover at nabuhay ulit."

Dagdag pa ni Dingdong, aabangan din ang mga batuhan ng mga linya na talagang may tatak at hugot ng isang babaeng nagmahal, nasaktan at lumaban para sa kanyang mahal.

"Sa mga linyang binibitawan ni Angelica palang eh... I'm sure yung mga words na kahit ako hindi ko pa narinig na sinabi sa akin, yung mga binibitawan niya iba. Siguro dahil malalim na malalim talaga yung pinaghuhugutan ng writer, at yun na yung gusto niya sabihin at sabihin para taong nasaktan na hindi nasasabi agad," sabi pa ni Dingdong.

Bukod sa mga hugot lines at markadong batuhan ng linya sa pelikula, aasahan din ang malulutong na sampalan na ibinigay sakanya ni Angge, na umabot pa sa diumano paghingi ng sorry ni Angelica sa maybahay ni Dingdong na si Marian Rivera para sa mga sampal na naibigay nito sa mga eksena nila.

"Ay nag-sorry din ba sa kanya? (Marian Rivera) Pero ako sanay na tayo dyan (sampalan). She's very professional when it comes to that (Angelica Panganiban). Yun yung mga bagay na talagang kahanga-hanga sa kanya parang automatic when she's on-cam she gives her 100 percent of her craft sa character and siyempre pagkatapos, yung reality kung nasaktan man kita sorry, sila talaga yung masarap ka trabaho, yung mga ganitong klase ng artista," pagtatapos na kuwento ni Dingdong.