Nagbigay na rin ng statement ang palasyo matapos ilabas ni Agot Isidro ang kanyang saloobin tungkol sa sinabi ni President Rodrigo Duterte na mabubuhay ang Pilipinas ng walang ayuda galing sa European Union (EU) at United States (US).
Read:Agot Isidro to President Rodrigo Duterte: “You are a psychopath”
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, may karapatan siyang maglabas ng kanyang opinyon.
"While she (Isidro) is entitled to her own opinion, it also reveals the kind of attitude that the President is addressing – dependency on foreign aid. He wants the Filipino people to gain true independence, economically, mentally and socially,” pahayag nila noong October 7.
Nanindigan naman si Agot sa kanyang sinabi na isang “psychopath” ang presidente.
Matapos gawing public ang kanyang posts ay naglabas pa siya ng dalawang Facebook posts na tila patama parin sa presidente.