Guji Lorenzana says he is working on a new album

Guji Lorenzana explains he is just going back to his first love: music.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/9/2016 9:44 AM
Guji Lorenzana says he is working on a new album


100916-GujiLorenzana_MAIN.jpgNagbabalik sa pagkanta ang aktor na si Guji Lorenzana na mapapanood sa Rediscover concert na magaganap sa October 14 at 15 sa Music Hall ng Metrowalk. Kasama ni Guji sina Steven Ofori, Marq Dollentes, at Jane Joseph. 

Hindi na bago sa pagpe-perform onstage si Guji dahil dito siya nagsimula at binabalikan nya lang ang talento sa pagkanta.

"Ire-rediscover natin iyung passion ko ulit sa singing. ‘Di ba nag start ako sa Star Magic as a singer tapos sa acting ngayon bumabalik tayo ulit sa music."

Bukod sa concert, isang music album ang pinagkaka-abalahan ngayon ni Guji na mas magpapatingkad pa sa kanyang music career.

"I’m also working on a new album. Marami rin surprises dito medyo rock alternative ang target namin. To release is January 2017 and this has been my dream project for the longest time and I’ve been working with international people. It’s going to be a big one."

Napapanood ng regular ngayon si Guji bilang aktor sa ABS-CBN teleseryeng The Greatest Love bilang fiance ni Andi Eigenmann. Masaya si Guji at napasama siya sa seryeng may magandang mensahe at mahuhusay na ka trabaho.

"It’s a good learning ground and for me to come back to TV with that type of soap. I feel very blessed very lucky," sabi pa ni Guji.