Dennis Trillo admits he was star struck by Anne Curtis

Dennis Trillo says he has no worries about being in gay-themed projects.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/9/2016 9:55 AM
Dennis Trillo admits he was star struck by Anne Curtis


100916-DennisTrillo_MAIN.jpgNasanay na din ang aktor na si Dennis Trillo sa mga gay-themed roles na kanyang nagagawa mula sa teleserye at ngayon naman ay sa pelikula kung saan makakasama niya si Anne Curtis at Paolo Ballesteros sa upcoming movie ng Viva films na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend.

Dahil first movie nila ni Anne Curtis aminado si Dennis na hanggang ngayon ay star struck padin siya sa It's Showtime host 

"Masayang may kasama kang mga tao na masaya pa din kahit seryoso na sa mga ginagawa nila, and si Anne na star struck pa din ako sa mga eksena. Hindi ko lang pinapahalata. Sobrang saya niya ka-trabaho. Good vibes lang and very positive energy ang laging dala sa set kaya nakakahawa sa ibang ka trabaho namin."

Gay roles man ang kanyang mga markadong proyekto, one hundred percent pa din naman na lalaki si Dennis sa mga naging pahayag niya sa pagbibigay ng mataas na respeto sa gay community.

"Iba na nangyayari ngayon e mas matalino na ang mga tao mas matapang na sila na harapin kung sino talaga sila at alamin kung ano ang gusto nila mangyari sa mga katawan nila.”

Naibahagi din ni Dennis na minsan ay muntik na siyang maligawan ng isang beki.

"Hindi naman niligawan, pero siyempre alam mo siguro na kapag gusto ka ng isang tao, siyempre nire-respeto ko pa din sila dahil mga tao lang naman tayo tao din sila. Pero kung naramdaman nila yun para sa akin matutuwa ako, pero sasabihin ko agad na hindi ko masusuklian yung kagustuhan niya sa akin."