• Home
  • Fresh Scoops
  • Paolo Ballesteros says he has no problem being stereotyped for gay roles

Paolo Ballesteros says he has no problem being stereotyped for gay roles

Paolo Ballesteros also declares there is no need to verbalize what his sexuality is.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/8/2016 9:43 AM
Paolo Ballesteros says he has no problem being stereotyped for gay roles


100816-PaoloBallesterods.jpgSa press conference ng upcoming gay themed movie ng Viva films na Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! na pinagbibidahan nila Anne Curtis, Dennis Trillo at Paolo Ballesteros, hindi naka-iwas si Paolo sa pang-iintriga sa kanya ng mga entertainment press tungkol sa kanyang tunay sexualidad.

Pero yon sa makeup transformation king, “Action speaks louder than words” at natatawa lang siya kahit na may mga kumukuwestyon sa kanya dahil tuloy tuloy pa din ang mga proyekto niya kahit na gay-themed pa ang mga ito.

"Hindi din ako sure e. Secret walang clue! Basta watch watch nalang kasi nga action speaks louder than words. Ganon! Hindi na kailangan i-verbalize."

Bukod sa Bakit Lahat ng Gwapo may Boyfriend, isa pang pelikula ang aabangan ng mga fans ni Paolo dahil sa isa pang bonggang gay-themed movie ang kanyang pagbibidahan na Die Beautiful.

"Excited kasi pupunta kami sa Japan for the festival. Same group with direk Jun Lana and nakaka proud kasi mahirap kasi yung ginawa namin doon e so nung pinanuod namin yung trailer parang nakaka-iyak ang mga eksena.

Aminado si Paolo na talagang pinaghihirapan ang bawat eksena dahil hands on siya sa bawat look na kanyang ipapakita sa bawat scene ng pelikula.

"Oo kasi ako nag-makeup sa sarili ko tapos ako lagi ang nauuna sa set bago pa mag-call time kasi mag-makeup pa ako tapos ako unang eksena kukuhanan kasi halos lahat ng eksena buong araw ako so talagang pagod na malala pero masaya."

Nalilinya man sa gay-themed movie, thankful pa din si Paolo sa mga blessings dahil alam niya na may marka ang kanyang bawat proyektong ginagawa.

"Okay naman kasi well thankful ako kasi kumbaga meron akong specialty parang 'si Paolo ay magaling sa ganitong bagay iyan' so meron na akong isang forte. Pero still I consider myself as an artist pa din like yung pag makeup ko. I mean ganun din yung sa personality ko e marami pa ako gusto gawin kumbaga yung mga roles na nakukuha ko I make sure na iba yung dating."