• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Jun Lana reveals why he chose Anne Curtis to star in his new movie

Director Jun Lana reveals why he chose Anne Curtis to star in his new movie

Director Jun Lana thinks Anne Curtis is just perfect for ‘Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/8/2016 9:45 AM
Director Jun Lana reveals why he chose Anne Curtis to star in his new movie


100816-JunLana.jpgSa ating solo interview sa award-winning filmmaker na si Jun Lana, naibahagi niya sa atin kung ano ba ang naging inspirasyon ng pelikulang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! na pinag uusapan ngayon dahil marami ang nakaka relate sa title pa lang ng pelikula.


"Yung mga kaibigan ko na babae, hindi ko alam kung phenomenon ba sa Pilipinas na marami ang babae na at one point in there lives na in love sa isang guy who later turned out to be gay at may isang kaibigan ako na sobrang broken hearted sa ganito rin experience. Nakita namin na it’s an interesting premise for a romantic comedy doon nagsimula lahat yun."


Nagbigay ng karangalan si direk Jun sa kanyang nakaraang mga pelikula na pinalakpakan sa ibat ibang bansa gaya ng Anino sa Likod ng Buwan, Barbers Tales at Bwakaw. Ngayon, isang mainstream project na may tema na malapit sa kanya ang ihahain sa manonood.


"These are also projects na I’m very passionate about kasi sa career ko ngayon I can only make a few films a year so kung gagawa ako ng pelikula dapat gustong gusto ko talaga."


Si Anne Curtis kaagad ang nasa isip nila para sa lead role ng Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!  at perfect din sa role ng leading man sina Dennis Trillo at Paolo Ballesteros.


"Hiningi ko talaga sa kanila kung pwede si Anne kasi she’s perfect for the role eh. Mayroon siyang comic timing sa mga napapanood ko. Sobra siyang comfortable sa sarili niya. Ginagawa niya lahat, kumakanta siya ng sintunado. She makes fun of herself kaya feeling ko ito ang perfect vehicle for Anne."


Ipapalabas na ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! sa October19.