• Home
  • Fresh Scoops
  • Susan Ramsey to sister Jaya: ‘From now on don’t use our mothers name’

Susan Ramsey to sister Jaya: ‘From now on don’t use our mothers name’

Susan Ramsey accuses sister Jaya of neglecting their mother Elizabeth Ramsey.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/7/2016 9:52 AM
Susan Ramsey to sister Jaya: ‘From now on don’t use our mothers name’


100716-Jaya.jpgIsang banal na misa ang inialay sa pinaglibingan ng showbiz icon na si Elizabeth Ramsey bilang paggunita sa unang taon ng kamatayan nito sa Holy Gardens Valley Memorial Park sa Antipolo City. Ito na rin ang simula ng paglipat ng mga labi ni Elizabeth papunta sa bago nitong paglilibingan sa San Carlos City, Negros Occidental kung saan nakalibing ang ilan sa mahal sa buhay ng namayapang showbiz icon.

 

Sa ating interview kay Susan Ramsey, emotional pa rin ito lalo na kapag nababanggit ang bunsong kapatid na si Jaya.

 

"I still love her as my sister pero I was waiting for her to ask forgiveness. Pero sa ginawa niya sa nanay namin, I’m not going to hold my back here, I’m going to tell the truth."

 

Hindi rin napigilan ni Susan na maglabas ng sama ng loob sa kapatid na si Jaya dahil diumano ay pinabayaan nito ang kanilang ina.

 

"How many times na naabutan ko ang nanay ko na nakatira sa bahay na may mga daga? Tapos siya she lives in a mansion. She couldn’t even put her mother in a decent house? I mean what kind of daughter is that?"

 

Pinuputol na rin ni Susan ang kaugnayan sa kanyang bunsong kapatid.

 

"Don’t use our mother’s name. You made your name as Jaya; keep it that way dont use mama! Mama made her life, mama worked hard as [a] Ramsey. Without her, you would never be Jaya."

 

Tumanggi magpa-interview si Jaya at nagpadala lamang ng text message.

 

"I will not speak about this matter. I’ll just let her deal with this," pahayag ni Jaya.