Rosanna Roces denies being a drug lord's mistress

The actress however admitted that she was bringing prostitutes inside the prison.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/8/2016 12:25 AM
Rosanna Roces denies being a drug lord's mistress


100716-RosannaRoces4_PUSH.jpgGamit ang kanyang Facebook account, nilinaw ni Rosanna Roces na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya ng government asset na si Nonile Arile.

Kamakailan lamang kasi ay binanggit ni Nonile sa isang House inquiry na kabit diumano ni Vincent Sy, isa sa mga high profile inmates sa New Bilibid Prison, si Rosanna.

READ: Gov’t asset names Rosanna Roces as a drug kingpin mistress

Pahayag ni Rosanna naging manager lamang siya ng mga babaeng dinadala niya sa loob ng kulungan.

"Paanong magiging mistress [ako] eh babae ang dinadala ko ke Enteng? Kada hatid ko ng babae ay 25k ang binibigay sa akin. Kahit na reject pa ang babaeng dalhin ko,? aniya.

"Kung naging mistress ako, 'di sana nabayaran ko ang P2 million na talo ko sa kaso sa GMA. Hindi na sana ako nagpapakahirap magtrabaho ngayon. Baka producer na ako. Hindi droga ang business ko sa bilibid: Monterey, taga deliver ng karne. Isang tao lang ang kausap ko doon, iyong sinasabi nilang si Vicente Sy. Madaling magtahi ng kwento pero mahirap ang magpatunay,? dagdag pa niya.

Inamin din naman niyang nakapag-perform na siya sa loob ng kulungan kasama sina April Boy Regino at Selina Sevilla at doon niya nakilala ang iba pang high-profile inmates.

"Other than that wala na akong naging dahilan para bumalik. Lalo na nung ang huling nadala ko palang babae ay may sakit," sabi ng aktres.