• Home
  • Fresh Scoops
  • Policeman proposes to girlfriend in front of President Rodrigo Duterte

Policeman proposes to girlfriend in front of President Rodrigo Duterte

The policeman asked permission to the president if he could propose to his aide-de-camp

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/8/2016 12:24 AM
Policeman proposes to girlfriend in front of President Rodrigo Duterte


100716-Duterte_PUSH.jpgMay hindi inaasahang kaganapan nang matapos ang speech ni President Rodrigo Duterte sa Philippine National Police Region 13 personnel sa Butuan City, kahapon, October 6.

“My beloved President sir, humihiling po ako ng tatlong minuto lang po sa ngalan ng pag-ibig, sir,” paalam ni Police Senior Inspector Arvin Jusmillo.

Si Jusmillo ang boyfriend ni Senior Inspector Romea Alniza Quinang, na isa sa aide-de-camps ni President Duterte.

Dapat ay magpapakasal na silang dalawa ngayong buwan ngunit dahil sa kanilang mga away ay hindi ito natuloy. Dahil dito ay nagkaroon siya ng chance na mag-propose hindi lamang sa harap ng kaniyang kasintahan, kundi sa harapan rin ni President Duterte at ng media.

"Kaya hinugot ko ang lakas ng loob sa katawan ko para gawin ito,” sabi niya.

“Don’t you worry, pakasalan mo lang ako, I still have forever para bumawi as your husband,” dagdag pa niya. Tinanggap naman ng kaniyang kasintahan ang bulaklak at singsing.