• Home
  • Fresh Scoops
  • Joshua Garcia admits he doesn’t have a date yet for the Star Magic Ball

Joshua Garcia admits he doesn’t have a date yet for the Star Magic Ball

Joshua Garcia is also grateful for all his projects.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/7/2016 10:09 AM
Joshua Garcia admits he doesn’t have a date yet for the Star Magic Ball


100716-JoshuaGarcia_PUSH.jpgAfter ng kanyang role bilang best friend ni Daniel Padilla na si Tonying sa blockbuster na pelikulang Barcelona: A Love Untold, hindi makapaniwala ang baguhang aktor na si Joshua Garcia sa lahat ng blessings at projects na kanyang natatanggap.

Isa ngayon si Joshua sa mga mag bibida sa pelikulang Vince and Kath kung saan makakasama niya si Ronnie Alonte, Maris Racal, and Julia Barretto.

"First time ko sila makasama. Masaya naman po sa set. Si Ronnie, si Julia kasi may natutunan din kami sa isa't isa. Si Ronnie medyo bago sa pag-arte, ako naman kay Julia lalo na mag English kasi ‘di ako sanay mag-English e," pagbibiro ng actor.

Bukod sa mga pinagbidahang pelikula, abala din sa Joshua sa daily afternoon serye na The Greatest Love kung saan ginagampanan niya ang role ni Zosimo.

"Mabibigat talaga pero siguro nadadala na din ako sa mga kasama ko kasi talagang magaling yung mga kasama ko mag-motivate at tumulong sa mga kapwa cast nila lalo na si Tita Sylvia (Sanchez). Titingin palang siya may ibinibigay na siyang eksena kaya tulong-tulong talaga."

Bukod sa mga projects, inaabangan din niya ang red carpet ng Star Magic Ball sa nalalapit na October 22. Nagbigay na din ng update ang aktor kung sinong designer ang kanyang napiling isuot.

"Ang suit ko si Mr. Joey Espiritu and sobrang pinag-isipan namin, kung ano pa ang pwede namin gawing bago para sa mga mag-aabang para may makita silang bago at kakaiba."

Kaabang-abang din ang magiging date ng mga stars sa darating na gabi ng Ball. Pero ayon kay Joshua sa ngayon asahan na muna ang pag lakad niya sa red carpet ng nag-iisa.

"Parang Hindi ko muna iniisip iyan. Mas iniisip ko muna talagang mabuti kung ano yung isisuot kong suit, pero kung wala talagang makaksama why not."