• Home
  • Fresh Scoops
  • Vina Morales believes her daughter understands what is happening in her custody case

Vina Morales believes her daughter understands what is happening in her custody case

Vina Morales says her concert reflects what she has been through for the past 30 years.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/6/2016 10:03 AM
Vina Morales believes her daughter understands what is happening in her custody case


100616-VinaMorales_PUSH.jpgSa darating na October 14, hatid ni Vina Morales ang isang concert bilang selebrasyon ng kanyang 30th anniversary sa showbiz. Inalay ng singer/actress ang [email protected] sa Kia theater para sa kanyang mga fans at sa mga fans ng nagdaang panahon.

Ayon kay Vina punong-puno ng surpresa ang kanyang concert kung saan aabangan talaga ang kanyang mga guest at ang mga performance kung saan kasama ang kanyang ex-boyfriend at naging leading man na si Robin Padilla.

"Actually overwhelming kasi napakadami naming surprises na maibibigay natin sa audience on that day, with all the production numbers that we are doing ay pinaghihirapan namin at paghihirapan talaga namin. And of course with my loving guests, and I feel so loved dahil Robin may Daniel (Padilla) na talaga namang aabangan."

Naibahagi din ni Vina ang mga naging personal na kanyang pinagdaanan at pinagdaraanan sa loob ng 30 years kasama na dito ang patuloy na pakikipag laban niya kay Cedric Lee na ama ng anak niyang si Ceana para sa proteksyon ng nito. Ayon kay Vina, "Punong-puno ng intriga, minsan sumusuko din ako. Nagpapasalamat nalang ako na yung pamilya ko e laging nandiyan para sa akin."

Puno man ng intriga at kontrobersiyang pinagdadaanan ang pamilya, tiwala at kampanate din si Vina na bilang isang ina ay naiintindihan lahat ito ng kanyang anak na si Ceana.

"Alam mo ang mga bata ngayon at napakatalino and very sensitive, especially when the times na hindi niya ako puwede kausapin at hindi siya puwede makauwi ng bahay. Alam na niya yun, alam na niya yung nangyayari, so ang bata ngayon marami ng tanong and she has to be handed over sa korte (Ceana) para maibalik lang ang anak ko. Napakatalino. It's sad but it's happening in our lives."

Umaasa naman ngayon si Vina sa dasal at panalangin na sa bandang huli ang kampo niya ang papanigan ng batas.

"Ang dasal ko lang sana yung mga maging decision will be in our favor kasi wala naman talaga kaming masamang intention sa kapwa namin."