Lolit Solis reveals how Tonton Gutierrez overcome drug use

The talent manager said he didn’t need to go to the rehab for recovery.

BY MAUREEN MARIE BELMONTE

Twitter: @MissHappyWriter

FRESH SCOOPS

10/6/2016 4:16 PM
Lolit Solis reveals how Tonton Gutierrez overcome drug use


100616-LolitSolis_MAIN.jpgIbinahagi nang talent manager na si Lolit Solis na may mga artistang nalulong sa droga at meron din namang mga artistang naka-recover kahit walang tulong ng rehab.

Ginamit niyang halimbawa sa live phone patch interview niya sa Umagang Kay Ganda ngayong, October 6 ang aktor na si Tonton Gutierrez at sinabing hindi niya kinailangan ng rehab upang maiwasan ang drug use.

“There was a time lulong na lulong diyan si Tonton pero sabi niyang ganoon one day he woke up ayaw na niya iwan na niya. Iniwan niya mga kaibigan niyang nag a-ano sa kanya,” kwento niya.

“Ang naging problema ko lang sa kanya madaling araw tatawagan ka niya kwento ng kwento hanggang paggising ko sa umaga hawak ko parin yung telepono. Hindi siya nagpa-rehab look at Tonton now talagang hindi na siya gumagamit,” dagdag pa niya.

Kwento pa ni Lolit ay isang araw ay biglang ayaw nalang ni Tonton at talagang umiwas siya sa mga kaibigan niyang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Nagpalit din daw siya ng number upang maka-iwas.

Sa mahigpit na laban ngayon ng administrasyon kontra droga, ilang mga artista na rin ang nahuli kabilang na dito sina Krista Miller, Sabrina M at kamakailan lang si Mark Anthony Fernandez.

Main Photo credit to the owner