Ibinahagi nang talent manager na si Lolit Solis na may mga
artistang nalulong sa droga at meron din namang mga artistang naka-recover
kahit walang tulong ng rehab.
Ginamit niyang halimbawa sa live phone patch interview niya
sa Umagang Kay Ganda ngayong, October
6 ang aktor na si Tonton Gutierrez at sinabing hindi niya kinailangan ng rehab
upang maiwasan ang drug use.
“There was a time lulong na lulong diyan si Tonton pero sabi
niyang ganoon one day he woke up ayaw na niya iwan na niya. Iniwan niya mga
kaibigan niyang nag a-ano sa kanya,” kwento niya.
“Ang naging problema ko lang sa kanya madaling araw tatawagan
ka niya kwento ng kwento hanggang paggising ko sa umaga hawak ko parin yung
telepono. Hindi siya nagpa-rehab look at Tonton now talagang hindi na siya
gumagamit,” dagdag pa niya.
Kwento pa ni Lolit ay isang araw ay biglang ayaw nalang ni
Tonton at talagang umiwas siya sa mga kaibigan niyang gumagamit ng
ipinagbabawal na gamot. Nagpalit din daw siya ng number upang maka-iwas.
Sa mahigpit na laban ngayon ng administrasyon kontra droga,
ilang mga artista na rin ang nahuli kabilang na dito sina Krista Miller,
Sabrina M at kamakailan lang si Mark Anthony Fernandez.
Main Photo credit to the owner