• Home
  • Fresh Scoops
  • Krista Miller advises against being around ‘bad influences’

Krista Miller advises against being around ‘bad influences’

Krista Miller and Sabrina M. regret involvement in illegal drugs

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/7/2016 1:49 AM
Krista Miller advises against being around ‘bad influences’


10016-krista_main.jpgSa ulat ni Donald Castro para sa TV Patrol, pagtatanim at pagbubunot ng damo ang inaatupag ngayon ng mga sexy star na sina Krista Miller at Sabrina M. Kapwa sila detainee sa Camp Karingal matapos sila mahuli kamakailan sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

May panghihinayang si Krista sa mga nasayang na oras noong nasa labas pa siya.

“Tulad na lang sa pagbubunot, di naman ako nagbubunot ng ganyan e. Sa totoo lang may mga allergy pa ako sa ganyan, pero ang ibig kong sabihin ang daming mas nakakabuting gawin kesa makisama sa mga alam mong bad influence naman,” saad niya.

Si Sabrina naman ay may natutunang leksiyon sa nangyari.

Ayon sakanya, “Sobrang tiwala ko sa dating kaibigan, ayan napasubo ako rito. Napagbintangan tuloy ako na nagbebenta ako ng drugs. Oo gamit. Oo, aminado naman ako run.”

May payo rin sila sa mga nalululong sa droga. Ani Krista, “’Yung alam niyong involved pa rin sa ganun layuan niyo silang lahat.”

Si Sabrina naman, “Kung nag-da-drugs kayo ngayon, kung nagbebenta pa kayo ng drugs, tigil niyo na ‘yan hangga’t hindi pa huli ang lahat sa kanila.”

Lubos rin ang pasasalamat ni Krista at Sabrina sa kanilang mga pamilya.

Ani Krista, “Kahit na-involve kami sa mga ganito, nandiyan pa rin sila hindi kami pinababayaan.”

Ayon naman kay Sabrina, “Salamat mga anak. ‘Wag kayo mag-alala si Mommy uuwi pa rin, intayin niyo lang ako.”