• Home
  • Fresh Scoops
  • Sharon Cuneta, Charice, Cristina Gonzalez voice out opinions on anti-drug campaign

Sharon Cuneta, Charice, Cristina Gonzalez voice out opinions on anti-drug campaign

XSharon Cuneta, Charice, Cristina Gonzalez react to the current administration’s war on drugs.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/5/2016 10:27 AM
Sharon Cuneta, Charice, Cristina Gonzalez voice out opinions on anti-drug campaign


100516-Celebs_MAIN.jpgSa patuloy na kampanya ng Duterte administration laban sa droga, tuluy-tuloy din ang paglabas ng mga pangalan ng mga celebrities na nadadawit sa di-umanong paggamit at pagbenta nito.

Ilan sa mga celebrities ang nagbigay ng kanilang mga saloobin kung pabor ba sila na pangalanan ng gobyerno ang mga celebrities na ito.

Isa ang internationally-acclaimed singing sensation Charice Pempengco na sumusuporta kampanyang ito ng Pangulo.

"Actually I'm interested. Kung hindi ka naman takot, why not? Ako nga lagi akong na-issue na nag-drugs e, excited na nga akong matawag para magpa-drug test e. Natatawa nga ako e. Yun lang ang sa akin kung hindi ka takot just get out there. I mean it's ridiculous so I support that 100 percent."

Para naman sa dating aktres at ngayo'y Tacloban Mayor Cristina Gonzalez - Romualdez ikinalungkot niya ang pagkakasangkot ng mga showbiz personalities sa mga ilegal na gawain tulad ng pag dro-droga. Pero para sa kanya, "Tingin ko dapat pangalanan, para yung ibang hindi pa nag-drugs matatakot na mag-drugs, kasi talagang hindi maganda yan even for kabataan especially ini-idolo pa naman nila ang mga artista."

Samantala, pinagtawanan na lang ni Megastar Sharon Cuneta ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa mga di umanong nag-perform para sa mga drugs lords na nasa loob ng Bilibid.

"Tawang-tawa talaga ako doon sabi ko, ‘Dyusko naman! Panahon pa ni kopong kopong yon parang nag magandang loob ka na lang.’”

Dagdag pa ni Megastar "I think it was near the holiday season if I'm not mistaken. Yung inmates kinantahan namin, banda pa nila yung kasama ko> Kausap ko yung mga nasa loob na may nagagawang handicrafts, bumili pa ako ng painting. Yung parang kahit nasa loob sila may saysay pa yung buhay nila kahit na na kamali sila kasi may mga nagkakamali na gusto pa mag bago."

Pabirong paglilinaw ni Megastar, "Hindi ako chummy sa drug lords. Wala naman akong nakukuhang pera sa kanila tsaka hindi naman ako mag dru-drugs, e di sana matagal na akong payat!