• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jaya responds to sister Susan Ramsey’s allegations

EXCLUSIVE: Jaya responds to sister Susan Ramsey’s allegations

Jaya emphasizes that unlike her siblings, she was there for her mother in the latter’s dying days.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/5/2016 10:42 AM
EXCLUSIVE: Jaya responds to sister Susan Ramsey’s allegations


100516-Jaya_PUSH.jpgHindi na nagulat ang Queen of Soul na si Jaya sa mga sinabi sa kanya ng kanyang nakatatandang kapatid na si Susan Ramsey na nandito ngayon sa Pilipinas. Plano ni Susan na ipalipat ng libingan ang kanilang ina na si Elizabeth Ramsey sa unang taon ng kamatayan nito sa October 8. Naging emotional din si Susan sa mga pahayag nito kay Jaya na di ito sumunod sa mga hiling ng kanilang nanay bago ito pumanaw.

Sa ating exclusive recorded phone interview kay Jaya, ipinaliwanag ng singer ang kanyang mga naging desisyon noon.

"Napag-usapan na namin ni mama noon bago siya namatay na kung ano ang gusto ko gawin na lang kasi wala siya magagawa when she passes away. Wala kami kapatid dito, lahat silang tatlo na anak sa una wala sila!"

Mensahe ni Jaya sa kanyang kapatid na sana ay tumahimik na ito para di na lumaki pa ang gulo.

"I hope that she gets her peace for what she is doing. My mother and I have already shared our memories together. Nananalaytay sa dugo ko ang dugo ng nanay ko and at this point I don’t have to say anything good about her."

Sa huli, panalangin pa rin para sa kaluluwa ni Elizabeth Ramsey ang panawagan ni Jaya.

"For me, God bless my mom. i hope she’s really resting in God’s heaven. Wala na, tapos na! Magpa-interview siya, magpa-movie siya, magpa-telenovela siya, wala na ang nanay namin. I hope this is the last of it!" sabi pa ni Jaya.