• Home
  • Fresh Scoops
  • Boy Abunda reacts to plans to publicly name celebs linked to illegal drugs

Boy Abunda reacts to plans to publicly name celebs linked to illegal drugs

Boy Abunda also wants people involved in drugs from other professions named

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/5/2016 10:28 AM
Boy Abunda reacts to plans to publicly name celebs linked to illegal drugs


100516-BoyAbunda_PUSH.jpgSa opening ng bagong branch ng Goodah restaurant sa Tomas Morato Quezon City, personal na pinuntahan ng part owner ng restaurant na si King of Talk Boy Abunda ito.

"Proud ako kasi ang laki ng tulong ng Goodah sa aming maliit na foundation na Make Your Nanay Proud at sa simpleng pag order ng Boy's Bistek, three pesos of that ay pupunta sa foundation kaya madaming nanay talaga ang aming natutulungan."

Masaya man sa bagong success ng negosyo, ikinalungkot naman ni Boy ang pagkakasangkot ng kanyang inaanak na si Mark Anthony Fernandez na nahulihan kamakailan ng marijuana sa Pampanga.

"Malungkot siyempre, but I cannot do a full discourse on drugs at show business dahil this is not the right place for this discourse. Nakakalungkot kasi Mark is very close to me, inaanak ko si Mark but I'd like to find out the story. Nais kong malaman kung anong pinang-gagalingan nito at ako'y nalulungkot."

Sa patuloy na pagdami ng celebrity na nasasangkot sa iligal na droga, naitanong din kay Boy kung sangayon ba siya na ilabas ng PNP ang listahan ng mga di umano'y celebrities na involved dito.

"Para sa akin if there's a list there should be one list that include everybody who is guilty and who should be given a due process pero yung ihihiwalay halimbawa ang artista, ihihiwalay yung ibang propesyon, parang mas gusto ko yung isahan lang di ba."

Paglilinaw ng King of Talk, hinihiling lamang niya ang pantay-pantay na trato ng pamahalaan para sa mga tao, artista man o hindi.

"I'm not saying na public shaming is something I agree with pero ang para sa akin kung nagpa pangalan ng mga tao artista man o hindi dapat nagpa pangalan kung may pina-pangalanan dapat walang exemption. Kasi what makes the difference between a movie star and a police general? All of them have families, all of them have  reputations to protect."

Dagdag pa ng King of Talk mas malalim na diskusyon muna sana at pag aaral bago ito isakatuparan.

"This is something na dapat pag-aralan pa, para sa aking opinyon I am not sure about my position in so far as public naming is concerned pero, patas dapat ang tao ay tao kahit ano pa ang kanyang trabaho."