Alma Moreno visits son Mark Anthony Fernandez in jail

Lorna Tolentino’s lawyers say there might be possible human rights violation against Mark Anthony Fernandez.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/5/2016 8:22 PM
Alma Moreno visits son Mark Anthony Fernandez in jail


100616-AlmaMoreno_MAIN.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, dismayado diumano ang madrasta ni Mark Anthony Fernandez na si Lorna Tolentino sa pagkakahuli ni Mark sa kasong drug possession nang mahulihan ito ng mahigit kumulang isang kilo ng marijuana. Base raw sa pakikipag-usap ni Lorna sa mga abugado nito, posibleng may naging paglabag sa karapatang pantao ng aktor dahil walang abugado sa tabi ni Mark nang siya ay hingan ng kanyang pahayag.

Ganito rin ang paniniwala ni Lolit Solis, talent manager ng yumaong Rudy Fernandez, tatay ni Mark. Naniniwala rin si Lolit na ginagamit ni Mark ang marijuana para sa kanyang medical condition na arthritis at anxiety, bunsod ng pagkamatay ng Tatay nito mula sa cancer.

Pakiusap rin ni Marichu Maceda, “meron dapat ibigay na konsiderasyon sa mga artista na ito. Magkamali lang minsan sisirain mo na ang career ng isang tao, konting respeto lang. 

Malungkot rin ang host na si Boy Abunda. “malungkot. Mark is very close to me. Inaanak ko si Mark e. Oo, I’d like to find out the story...” 

Nagpahayag rin ng pagkalungkot ang haligi ng showbiz na si Eddie Garcia sa mga nangyayari ngayon sa showbiz at payo niya, “bago sila imbestigahan at mahuli, tumigil na…” 

Sa update mula sa Bandila, dinalaw ni Alma Moreno ang kanyang anak na si Mark sa kulungan sa Angeles City, Pampanga. Halos dalawang oras nag-usap ang mag-ina at tumangging magpa-interview si Alma.