• Home
  • Fresh Scoops
  • Lovi Poe reacts to comments that she and Derek Ramsay have sensual chemistry

Lovi Poe reacts to comments that she and Derek Ramsay have sensual chemistry

Lovi Poe admits she is a risk-taker when it comes to love.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

10/4/2016 9:06 AM
Lovi Poe reacts to comments that she and Derek Ramsay have sensual chemistry


100416-LovePoe_PUSH.jpgMagkasama sa pelikula ng Regal Films na The Escort sina Lovi Poe at ang hunky actor na si Derek Ramsay. Ayon kay Lovi kahit first time niya to work with Derek at naging magaan ang lahat.

“Si Derek, masaya siyang katrabaho. Sobrang bait niya. First time we met, he broke the ice agad. Very outgoing siya, eh,” masaya niyang kuwento sa Push.com.ph.

Sa The Escort, daring ang role ni Lovi.

“Being an escort or someone who became an escort, daring siya in such a way. Saka yung movie itself is daring parang nagugulat nga ako na may website pala na mamimili ka ng babae. Hindi ako aware do’n.

“Parang I know, I would always hear that there’s a little black book for it, pero I never expect na may website pala na pipili ka ng babae,” sabi ng aktres.

Eh, kumusta naman ang love scene nila ni Derek?

“Si Derek, sobrang maalaga yon,” sagot agad niya.

Naging kumportable ba siya sa eksena?

“Nag-shot kami ng alcohol para lang to loosen up. Kasi ang awkward na magki-kiss kayo, magla-love scene kayo bigla,” pagtatapat niya.

Patuloy ni Lovi, “Yung movie is something that’s very interesting to watch kasi kakaiba siya.”

Sa obserbasyon ng maraming nakapanood ng trailer ng The Escort, halatang meron silang sensual chemistry ni Derek. Ano ang reaksyon niya dito?

“Sa pino-post ko kasi, sabi nila parang may landi daw, baka dahil do’n kaya siguro ganu’n,” sabay tawa ulit niya.

Walang boyfriend ngayon si Lovi. Pero aminado siya na pagdating sa pakikipagrelasyon she’s a risk-taker.

“We’ll never know naman what’s going to happen in the future and parang every relationship that you enter parang palagi kang nagte-take ng risk. There’s a risk of it lasting forever, there’s a risk also for it to end.

“Sa maraming bagay din, I am a risk-taker. I learned how to be, because sayang naman yung  opportunity,” pagtatapos ng aktres.