Jodi Sta. Maria says her new movie is very relatable

Jodi Sta. Maria is very thankful for her blessings and new projects.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/4/2016 9:34 AM
Jodi Sta. Maria says her new movie is very relatable


100416-JodiStaMaria_PUSH.jpgFeeling blessed ngayon si Jodi Sta. Maria sa lahat ng blessings na kanyang nakukuha, mula sa one million cash prize sa Minute to Win It to her Best Actress nomination sa 2016 International Emmy Awards at ngayon naman ay isang bagong pelikula under Star Cinema.

Makakasama ni Jodi sa bagong pelikula na may working title na Dear Other Self ang dalawa sa hottest leading men ngayon na sila JC De Vera at Joseph Marco. Kuwento ni Jodi, "It's a story of a woman, her journey wherein she is torn in living the life that she dreamed of versus caring for those people that she loved."

Thankful din si Jodi sa Star Cinema dahil sa nabibigyan siya ng magagandang materyal na siguradong nakaka-relate ang karamihan.

"Nakakatuwa din na very relatable ang mga kuwento na nagagawa natin and isa pa, thankful din ako sa mga dumarating na proyekto kasi kakaiba. Kumbaga iba naman. Basta marami sila ng matutunan at kikiligin sila."

Dahil sadya ngang relatable ang mga pelikula na kanyang pinag-bibidahan, naitanong din sa aktres kung relate din ba ang storya ng kanyang pelikula ngayon sa kanyang personal na buhay. Ayon kay Jodi, "Ako to ha personal. Hindi naman pwedeng excitement and adventure pero wala namang stability and security. Hindi naman pwedeng stability and security tapos boring naman so parang feeling ko na importante din na balanse."

At ng tanungin si Jodi kung balanse ba ang kanyang buhay ngayon, sagot niya, "Balanseng-balanse." Kasunod ang matamis na mga ngiti.

Bukod sa pelikula, isa din sa ni-look forward ngayon ni Jodi ang pagpunta niya sa awarding ng International Emmy Awards sa November 21.

"Siyempre hanggang sa ngayon hindi parin ako makapaniwala. Na-eexcite ako kasi alam ko na marami akong artistang makikita doon and off course to be nominated alongside Judi Dench ay isang napakalaking bagay at karangalan."