• Home
  • Fresh Scoops
  • Grae Fernandez on dad Mark Anthony: ‘I will always be proud to be your son because you’re the best d

Grae Fernandez on dad Mark Anthony: ‘I will always be proud to be your son because you’re the best d

Showbiz personalities react to Mark Anthony Fernandez’s arrest.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

10/4/2016 8:58 PM
Grae Fernandez on dad Mark Anthony: ‘I will always be proud to be your son because you’re the best d


100516-GRAE_MAIN.jpgSa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol, maraming nagulat sa pagkakahuli ni Mark Anthony Fernandez sa kasong drug possession. Nahuli ang aktor na may dalang mahigit kumulang isang kilo ng marijuana noong October 3.

Isa na rito si Direk Brillante Mendoza na nakatrabaho ni Mark sa pelikulang Ma’ Rosa. Ayon sa direktor, maayos naman daw si Mark nung nag-shoot sila. Ganun rin ang manager ni Mark na si Dondon Monteverde na nagsabing walang pinakita si Mark na may pinagdadaanan ito.

Pakiusap naman ng mga direktor na sina Maryo Delos Reyes at Joel Lamangan ay wag muna husgahan si Mark. Ani Direk Joel, “dapat pag-usapan kung paano ihahandle ang mga ganung problema. Di ako naniniwala na kapag ika’y ganun na, ay ika’y ganun na habang buhay.”

Ganun din ang opinyon ni Rez Cortez na nagsabing, “yung mga user naman yan ay biktima. Kailangan tulungan…” 

Ang ina naman ni Mark na si Alma Moreno ay nagpapahinga matapos ma-alta presyon nang mabalitaan ang nangyari sa 37-year-old na anak. Ayon sa tagapasalita ni Alma, hiling ni Alma na wag muna husgahan ang kanyang anak.

May mga dumepensa rin mula sa showbiz kay Mark, ngunit ayaw nila magpapangalan. Ayon sa kanila may kaugnanyan diumano ang marijuana sa medical condition ni Mark.

Ganito rin naman ang sinabi ni Mark sa kanyang interview, “panlaban ko lang ho para wag ho ako magkasakit. Yun po dahil gamot ko po yun. Bata pa lang po ako may arthritis na ako. Tapos yung tatay ko po nagka-cancer so alam ko po yun yung pangontra sa cancer. Alam ko po iligal pero niligal na po yun sa buong mundo halos. Tapos bago nga po sumakabilang buhay ang tatay ko sinabi niya na puwede ako magdamo.”  

Ipinagtanggol rin ni Grae Fernandez ang kanyang ama sa kanyang twitter account, “No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad.”