EXCLUSIVE: Susan Ramsey reveals feud with sister Jaya

Susan says her sister did not respect their mother’s final wishes.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/4/2016 8:56 PM
EXCLUSIVE: Susan Ramsey reveals feud with sister Jaya


100416-SusanRamsey_PUSH.jpgSa ika-isang taon ng pag gunita ng pagpanaw ng showbiz icon na si Elizabeth Ramsey, bumalik sa Pilipinas ang anak ng Queen of Rock and Roll na si Susan Ramsey. Ito ay para ilipat ang remains ng kanyang ina mula Antipolo kung saan ito nakalibing ngayon papunta sa kanilang probinsya sa Negros kung saan din nakalibing ang kanyang mga kapatid at mga mahal sa buhay.

Emotional si Susan ng humarap para magpa-interview. Hindi daw kasi sinunod ni Jaya ang mga huling bilin ng kanilang pumanaw na ina.

"All she wants to do is to get buried kung bakit pinapag-drama ba naman, you know yun lang naman ang gusto ni Mama. Wala naman siya iba hinihingi, she gave us everything in life!" sabi ni Susan.

Ayon pa kay Susan, hindi sila in good terms ng kanyang half-sister na si Jaya at marami silang di pagkakaintindihan noon pa man, na mas dumami pa noong makilala si Jaya sa Pilipinas bilang singer.

"Sometimes popularity changes you. It was kind of unusual, we were kind of tight in the beginning," kwento pa niya tungkol sa relasyon nilang magkapatid.

Sa simula ayaw magbigay ng personal na mensahe ni Susan para sa kanyang bunsong kapatid na si Jaya pero naging makahulugan ang mga binitawan nitong salita.

"She has to look and search inside her heart on what she done. She doesn’t have to ask forgiveness from me and all her brothers and sisters but to mama."

Sa Huwebes magaganap ang paglilipat ng libingan ni Elizabeth Ramsey pagkatapos ng misa ng alas dose ng tanghali.

Namatay si Elizabeth habang ito ay natutulog sa edad na 83. Naospital ang Queen of Rock n Roll ng Pilipinas bago siya pumanaw ng dahil sa atake ng hyperglycemia sanhi ng kanyang diabetes.

READ: Elizabeth Ramsey passes away at 83