• Home
  • Fresh Scoops
  • PUSH POLL: Celebrities share the scariest moments in their life

PUSH POLL: Celebrities share the scariest moments in their life

Kapamilya stars reveal to PUSH what scares them the most.

BY RHEA MANILA SANTOS

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

10/31/2016 12:48 AM
PUSH POLL: Celebrities share the scariest moments in their life


103116-Scary_PUSH.jpg

It’s Halloween once again! Aside from trick or treating and wearing costumes, it’s that time of the year when people exchange scary stories they’ve heard or experienced themselves. PUSH asked some Kapamilya stars to see who has the spookiest story to tell.

Elisse Joson

“Hindi kasi ako lapitin ng mga ganun. Wala akong experience sa mga multo. Pero takot ako sa Chucky doll. Si Chucky tapos si Chucky’s Bride niya at yung buong pamilya niya. Kasi nung bata ako mahilig ako sa dolls and meron akong baby doll na very old na so sira sira na siya. Since favorite ko siya pilit tinatahi ni mama yung mukha kasi sira sira na nga po. Dun medyo na-trauma ako (laughs) kasi very close to Chucky yung itsura niya.”

McCoy De Leon

“Hindi pa ako nakakaita ng multo pero naniniwala ako sa multo. SIguro yung pinaka-experience ko na grabe nung nakadilat ako na hindi ko alam na natutulog ako or nananaginip. Nakatingin lang ako sa madilim na lugar sa bubong namin kasi madilim. Hindi naman kalakihan yung bahay namin. Nakatingin lang ako dun tapos hindi ako makagalaw. Ang ginawa ko parang nag-pray ako kaya napatunayan ko siguro na merong masamang element na nasa akin nun kasi yung prayer naging answer ko."

Karla Estrada

“Wala naman. Wala akong ganun eh. Hindi kasi ako matatakutin. Mas takot ako sa buhay kesa sa multo (laughs)."

Sue Ramirez

“Emotional ito kasi it was a night when the doctor told us that if my dad doesn’t respond in 24 hours, we’re going to have to cut the cord. Yun siguro scariest moment ng buhay ko.”

Ronnie Alonte

“Natakot ako nung nakakita ako ng ipis (laughs). Siyempre takot ako talaga sa multo as in pa-rang akong mababakla pag makakita akong multo (laughs).”

Kira Balinger

“Last year, since medyo takot ako pag Halloween, magkatabi kami sa kama ni mama matulog. So mga 2 am gising pa rin ako tapos may naririnig akong kumakatok ng tatlong beses ’Tok, tok, tok.' Tapos naisip ko, ‘Ay I’m falling asleep lang, wala yun.’ Pero narinig ko ulit sa pinaka-front door ng room. So ayun nung second time gumising na si Mommy tapos lumabas kami. Walang tao. Noone was there. Tapos nung lumabas kami parang nag-goosebumps kaming dalawa so parang ang weird lang. Tapos pag umaalis kami for work pinapatay namin lahat ng ilaw sa bahay. Tapos when we get home after two days, naka-on ang ilaw sa C.R. Sa C.R lang. Pero pinatay namin ang lahat ng ilaw bago kami umalis. Ang weird lang. Hindi siya technical problem kasi pagbalik namin naka-on talaga yung switch."

Paul Salas

“Recently lang siguro mga one month ago. Mga gabi na yun nag-C.R ako. Kasi late talaga kami matulog ng kapatid ko kasi dun na lang kami nakakapag-bonding pagaka-nakauwi na ng late. So nung naghihilamos ako sa C.R may tumatawag ng ‘Kuya, kuya kuya kuya!’ na boses ng ka-patid ko. Eh ang kulit kaya napasigaw ako, ‘Ano!’ Tapos nung lumabas ako ng C.R wala na.

“So pagkababa ko sa couch naglalaro siya, Sabi ko, ‘Bakit mo ako tinatawag?’ Sabi ng kapatid ko, ‘Huh? Anong tinatawag? Naglalaro ako dito eh. Hindi ko ma-po-pause ito.’ Hanggang sa nagpaparamdam paramdam na ngayon sa akin lang. Minsan papatayan ako ng aircon. Baka nga lilipat na kami ng bahay eh (laughs). Kaya ngayon natatakot na rin yung family ko. Siguro alam niya kasi noon nakakakita din ako nung bata ako. Pero mabait naman yung spirit.

Inigo Pascual

“Nagkaroon ako ng moment na nakita ko doppelganger ng tita ko. As in sinundan ko siya pa-pasok ng bahay. Hindi ko alam kung totoo or nananaginip ako pero sobrang vivid siya sa isip ko. Sinundan ko yung tao papasok ng kuwarto ng tita ko. Pag pasok niya sa kuwarto pumunta siya sa banyo. Pagpasok ko dun sa kuwarto wala yung tita ko. Tinanong ko mommy ko, ‘Saan si tita? Nakita ko na siya umuwi.’ Sabi niya, ‘Wala pa siya. Nasa trabaho pa.’ I was aorund 11 or 12 years old pero sobrang vivid pa rin sa isip ko hanggang ngayon.

Maris Racal

“Siguro yung funeral nung nasa wake ng lola ko and pag-uwi ko sa bahay sabay amoy flowers dun. Sa showbiz naman siguro yung na-flat ako nung kumanta ako. Na-flat talaga ako and nawala na ako sa tono the whole song.”

Jon Lucas

“Wala pa naman akong na-e-experience na multo pero nung bata pa ako Grade 4 ako, nasa Sta. Lucia Mall ako, dun sa dulo ng ATM machine sa parang bukanan nun may nakita akong parang naka-white na lumulutang lang siya na hindi ko alam. Siyempre grade 4 pa lang ako sa takot na takot ako, hindi ko alam kung estatwa yun or mannequin ba yun or something.

Lauren Reid

“I guess I’m always a little bit scared. It’s because in the Philippines a lot of people are super-stitious so I’ve heard about ghosts and white ladies and things like that. We used to own a house down in Batangas and everybody on the street and our family believed there was a white lady there so that was something that was always scary as I was growing up. Sometimes I get the shivers about something I don’t know if they were really there or not.”

Jameson Blake

“When I was a little kid and I wasn’t used to seeing people na naka-costume so one time pa-rang may mukhang Frankenstein na sobrang nakakagulat talaga tapos sumigaw ako na pa-rang babae. Tapos lumabas ako sa bahay na yun. Six or seven years old ako nun.”

Luke Conde

“Yun yung problem ko kasi hindi ako natatakot sa multo eh. Kasi pag mga horror na aswang hindi ako natatakot. Siguro pagdating sa movies mas takot ako sa mga suspense thrillers so I’m more of sa danger. Mas meron akong fear sa danger kesa sa fears sa ghosts at aswang. Actually I laugh pag na-i-invite ako manuod ng horror movie. Siguro that’s what’s different about me.”

Zeus Collins

“Siguro nung bata pa ako mga eight years old sa bahay ng lola ko nakakita ako ng parang white lady ganun. Sobrang takot ako nun kasi naglalaro kami nun ng tago taguan lahat kaming magpipinsan. So ako yung taya tapos hinahanap ko silang lahat tapos pumasok ako dun sa kuwarto ng lola ko at may nakita ako. YUn na siguro yung pinaka-nakakatakot na nangyari sa akin. Pero hindi na naulit yun."