• Home
  • Fresh Scoops
  • Maxine Medina says she is inspired by Kylie Verzosa’s Miss International win

Maxine Medina says she is inspired by Kylie Verzosa’s Miss International win

Maxine Medina says her friend Kylie Verzosa has come very far from their modeling days.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/31/2016 12:50 AM
Maxine Medina says she is inspired by Kylie Verzosa’s Miss International win


103116-MaxineMedina_PUSH.jpgSa pag kapanalo ng Pinay beauty na si Kylie Verzosa sa Miss International 2016, kasamang nag diriwang ngayon ng mga Pilipino ang mga ka-batch ni Kylie sa Binibing Pilipinas na sina Joanna Eden, Nicole Manalo at Maxine Medina na mga susunod na lalaban sa kanilang mga respective international pageants.

Sa panayam na ito sa mga Binibini, masayang masaya sila lalo na ang kaibigan ni Kylie na si Maxine Medina, na pambato ng Pilipinas para sa palapit ng Miss Universe pageant 2016.

Kuwento ni Maxine, kinakabahan siya para kay Kylie sa tuwing tinatawag ang ating kandidata habang pakaunti ng pakaunti ang mga contestant sa stage.

"Sobrang kinakabahan kami ni Nicole (Manalo) all throughout the pageant tapos magka-hawak kami tuwing may tinatawag na delegates lalo na pag tinatawag ang Philippines," sabi ni Maxine.

Pero para kay Maxine tiwala at kampante siya na masusungkit ni Kylie ang korona para sa bansa.

"I see her determination before, sobrang strong niya since it’s her second time, I can see and I can say na she's gonna win and she can do it, yung speech niya sobrang ibang iba siya doon, parang na envision ko na yung crown on her, nasabi ko talaga, na talagang si Kylie na," masayang sambit pa ni Maxine.

Dagdag pa ni Maxine bilang kasabayan niya si Kylie, masasabi niya na talagang may malaking improvement si Kylie simula ng mag-umpisa sila bilang mga fashion models.

"Back then sa Binibini, siyempre we both started as models, so yung self-esteem namin sa beauty pageant ibang iba, so this one I can say na she transformed way better, even before, naisip ko nga sana ako din pag dating ng Miss Universe ganon din sana ako," share pa niya.

Dahil sa nalalapit na din ang kanilang mga laban, sabi pa ni Maxine mas lalo sila na i-inspire ngayon dahil sa pag kapanalo ni Kylie.

"Mas lalo kami na inspire ngayon syempre to get the crown and were very excited for our pageants."

Ayon kay Maxine ay inihahanda na din niya ang kanyang sarili para sa papalapit niyang laban bilang opisyal na kandidata ng Miss Universe.

"Well to be honest, I need to be updated in current events and siyempre as a Miss Universe candidate I need to know what's happening around the world. I even discuss it with my friends and my family para laban na talaga, laban kung laban and prepared na ako dun."