• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos speaks up about basher who criticized her post-baby body

Judy Ann Santos speaks up about basher who criticized her post-baby body

Judy Ann Santos takes on a rude basher on social media.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

10/30/2016 8:56 AM
Judy Ann Santos speaks up about basher who criticized her post-baby body


103016JUDAY_PUSH.jpgMuling nagbabalik showbiz si Judy Ann Santos sa 2016 Cinemalaya entry Kusina na magkakaroon ng commercial screening.

Aniya, malapit sa puso niya ang bagong proyekto dahil hindi lamang niya nailabas ang galing bilang artista kundi nailabas din niya ang kanyang hilig sa pag luluto dahil sa ilang recipe na kanyang ginawa para sa nasabing proyekto.

Bukod sa Kusina, naitanong na din kay Juday kung kailan siya magbabalik sa telebisyon. Pagbibirong kuwento niya, "Kapag nakabalik na ako sa katawang lupa kasi ngayon nasa alapaap pa ako, but now I'm working on it pa. Pag medyo in good fighting form na at may magandang material or something na would not require me a lot of time for now."

Sabi pa ni Juday, sa ngayon ayaw din niya na magkaroon ng limitasyon ang kanyang mga gagawin kung kaya mas focus muna siya sa kanyang pag-papapayat.

"Gusto ko lang din na worth it yung project pag bumalik ako, maganda yung katawan ko yung kahit pa tamblingin ako magagawa ko yung walang limitations. Gusto ko I am fit as possible."

Kamakailan hindi naman pinalagpas ni Juday ang mga basher na mistulan naka-monitor sa kanyang figure. Kuwento niya hindi niya intensyon ang mang kutya ng tao pero nasa mood lang daw siya ng mga panahon ng sumagot siya dito.

"Hindi nawawala pero kapag nauunahan mo sila ng pag-deadma hindi sila mam-bash pero siguro uunahan mo na sila. There are times na mababasa mo pa din talaga ang mga comments pero yung particular basher na yun, napapansin ko na medyo rude na yung mga comments niya. It’s just that time nasa mood lang ako kumbaga 'ahhhh gusto mo a o sige' pero hindi naman para kutyain siya ng ibang tao. Ang sa akin lang, gusto ata talaga mag papansin e di sige, pero kung talagang may issue talaga sa akin sige patulan kita nasa mood ako."

Ayon din kay Juday, sanay na siya sa mga pang kukutya ng mga tao sa kanya bago pa man magka social media kung kaya balewala na ito sa kanya ngayon.

"Hindi ako na hurt kasi totoo naman na mataba talaga ako. Hindi lang ako aware na nag momonitor ka pala? Bago pa man ang social media andami nang natawag sa akin—mammon, ensaymada, aparador, siopao… Lahat naman nakuha ko na bago pa man magka-iInstagram at Facebook. Ngayon lang mas powerful lang ang mga bashers kasi nag-rerepost, nag-reretweet, napapag-usapan pa, napapag-tawanan hanggang sa mailabas na sa news pati sila napapag-usapan."

Dahil sa body shaming issue na ito mistulan naging boses si Juday sa mga kapwa babae na nakakaranas din ng pangungutya ng ibang tao.

"Feeling ko lang hindi kana mag sasalita for yourself. You also talk for other people na kung ano ang pinagdadaanan mo, pinagdadaanan din naman ng maraming tao yan. Ang lakas lang nila mang-bash kasi hindi sila nakikita. Magpakita sila tsaka sila mang bash para kwits," pagtatapos ng aktres.