Ecuador's Katherine Espin is Miss Earth 2016

PH bet Imelda Schweighart failed to get into the Top 16 of the pageant.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/30/2016 8:55 AM
Ecuador's Katherine Espin is Miss Earth 2016


103016-MissEarth_PUSH.jpgAng delegada mula sa bansang Ecuador na si Katherine Espin ang nakakuha ng korona bilang Miss Earth 2016 na katatapos lang ganapin sa Mall of Asia Arena at siyang successor ng Pinay na si Angelia Ong sa title.

Model at cosmetologist si Miss Ecuador at pasok sa kanyang advocacy na pagbibigay kaalaman sa mga kabataan ng kahalagahan ng ating likas na kayamanan ang pagsali niya sa Miss Earth.

"I choose this because I believe that the best age to teach a person to have environmental conscience is at the early age because at their growing years they will learn to have respect toward the environment, which will help the future generations" sabi ni Espin.

Nabanggit pa ng beauty queen na dapat ay maging regular input sa mga kabataan ang pangangalaga sa kalikasan sa kanilang edukasyon.

"I truly believe that there should exist on every academic pensum, an environmental class and I will work hard on it to make it possible," dagdag pa ng bagong Miss Earth title holder.

Marami ang nalungkot dahil di man lang nakapasok sa first cut ng finalists ang PH bet na si Imelda Schweighart, na marami na ngayon ang naglalabasan na issues kung bakit di siya nagtagumpay sa titulo. Target pa naman ni Imelda ang pangatlong sunod na Miss Earth crown para sa ating bansa na napanalunan ni Jamie Herrel noong 2014 at Angelia noong 2015.

Nag-stay sa panonood ng pageant ang karamihan dahil pasok din naman as finalist si Chloe Syquia-Skarne, kapatid sa ama ni KC Concepcion at representative ng bansang Sweden. Nakarating si Chloie hanggang sa Top 8 spot ng pageant.

Ilan pa sa mga nanalo ay sina :

Miss Earth Air: Michelle Gomez of Colombia

Miss Earth Water: Stephanie De Zorzi of Venezuela

Miss Earth Fire: Bruna Zanardo of Brazil