• Home
  • Fresh Scoops
  • Confirmed! Sunshine Cruz and Macky Mathay is officially an item

Confirmed! Sunshine Cruz and Macky Mathay is officially an item

They started dating last September.

BY JOAN LEARY

FRESH SCOOPS

10/31/2016 12:49 AM
Confirmed! Sunshine Cruz and Macky Mathay is officially an item


103116-Sunshine_PUSH.jpgMatapos kumalat ang kanilang litrato na naka-holding hands sa Bonifacio Global City, Taguig noong unang linggo ng Oktubre, sa wakas ay inamin na ni Macky Mathay ang tunay na estado ng kanyang relasyon kay Sunshine Cruz. 

Nang tanungin ng PEP.ph ang half-brother ni Ara Mina kung sila na ba, sinagot niya ay “Yes.”

Si Macky ay hiwalay na sa asawa niyang si CamilleFariñas at nagsimula raw silang mag-usap ni Sunshine sa Instagram noong September at kinalaunan ay naging mas komportable sila sa isa’t isa.

"I assured her, 'Ever since from the start, na pag lumabas, hindi kita idi-deny 'cause you make me so happy. Tsaka mahal kita'," ani Macky.

Inamin din niyang siya ang unang nag-I love you at matapos ang isang linggo ay saka pa lamang siya sinagot ng aktres ng “I love you too.” Naging opisyal ang kanilang relasyon noong September 18.

"Sinasabi ko kay Sunshine, 'Everything happens so fast between the two of us, but the thing is, I love you. And puwede namang araw-araw kitang ligawan pa rin.'

"Para at least, 'di ba, ang dami-daming tao na -- tsaka, iyon nga, matanda na kami na ang dami nang pinagdaanan sa buhay, the two of us, [na baka] hindi na uli makahanap ng mamahalin. So, bakit pipigilan mo pa yung nararamdaman mo?" paliwanag niya.

Hiwalay din si Sunshine sa asawang si Cesar Montano at ongoing na rin  ang annulment case niya dito.