• Home
  • Fresh Scoops
  • 2016 Mutya ng Pilipinas Arkisha Krishnan takes leave of absence from court side reporting

2016 Mutya ng Pilipinas Arkisha Krishnan takes leave of absence from court side reporting

Arkisha shares she will be leaving for the pageant the same day as UAAP's cheer dance competition.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

10/31/2016 12:47 AM
2016 Mutya ng Pilipinas Arkisha Krishnan takes leave of absence from court side reporting


103116-ArkishaKrishnan_PUSH.jpgSa sunod-sunod na pag puwesto at pagka panalo ng Pilipinas sa iba't ibang beauty pageants, isa na namang kandidata ang umaasa na maka sungkit ng korona para sa darating na Miss Asia Pacific International 2016.

Sa send of party ng Mutya ng Pilipinas Organization para kay Ganiel Arkhisha Krishnan na lalaban ngayong buwan sa Palawan, umaasa din siya para sa tagumpay na kanyang iaalay para sa bansa.

Aniya hindi din siya natatakot na ikumpara sa iba na nagwagi mula sa kanilang mga sinalihang pageant.

"Actually kasi po every pageant naman po it varies eh, iba-iba naman po ang hinahanap at sa tingin ko naman po yung ibang mga lumaban naman po sa competition, they did it very well. Siguro hindi lang sumakto ang title for them. Pero I know na magaganda din ang mga ginawa nila and I'm not nervous about that," sabi ng beauty queen.

Bago pa man sumali sa beauty contest kilala na si Arkisha sa pagiging court side reporter ng ABS-CBN Sports and Action at ng UAAP bilang representative ng isang sikat na college, kung kaya sa nalalapit na cheer dance competition ngayong buwan na kasabay mismo ng kanyang pageant, mas naging prioridad ng dalaga pagbibigay ng karangalan para sa bansa.

"Naging desisyon ko po is to fly to Palawan on the same day ng cheer dance competition, Novermber 19 para sa bayan po ang laban ko for Miss Asia Pacific International and I know na naiintindihan din po ako ng UAAP management at talagang sinusuportahan po nila ako whatever na decision ko."

Masaya naman siya sa suporta na nakuha mula sa mga ka-trabaho at hangad pa din niya na siya ay maka balik kahit isa na siyang ganap na beauty queen.

"Two years hopefully maging court side reporter pa din po ako for next year," sabi ni Arkisha.

Kinuwento niya din na dala niya ang dasal at panalangin at ang isang lucky charm na kanyang isasabit sa loob ng gown sa mismong laban ng Miss Asia Pacific International.

"May nagbigay po sa akin ng rosary na blessed po ni Pope nung may clean up drive po kami noon sa isang area, tapos even before the Mutya ng Pilipinas Pageant itinago ko na po siya. Ngayon po plano ko pa din po siya ilagay sa bulsa ng gown ko sa darating na pageant," pagtatapos ng dalaga.